68: MATCH (The True Artist 1)

310 23 5
                                    

Note: I'm not satisfied sa chapter na 'to kaya baka mabago ko pa ang plot. I will inform you sa next chapter if may pagbabago sa chapter na 'to.

For my readers na sumusubaybay sa story, comment lang po sa baba para naman malagay ko sa next chapter ang mga pangalan niyo bilang pasasalamat na rin. I know na kaunti lang kayo pero sana... Sana lang naman ay makapag-comment kayo. Maraming salamat po.

For now, let's proceed...

-------------

Hindi ko alam pero...

Parang wala man lang ako maramdaman na ano mang sakit, ang tangi ko lang nararamdaman ay ang matigas na katawan ng santelmo, dahil sa kuryosidad ay naimulat ko ang aking mata at sumalubong sa akin ang kakaibang liwanag, at ang mukha mismo ng santelmo. "Te-teka, anong nangyayari?" tanong ko sa santelmo habang hawak ko siya.

Nagulat na lamang ako na biglang nagkaroon ng mukha ang santelmo at tila namamangha siya sa nakikita. "Sino ka?" wala sa hulo kong tanong.

"Nakikita mo ang mukha ko?" tanong niya. Napatango ako sa kanya. "Paanong nangyari iyon? Sino ka?"

Wait lang, ang alam ko, ako ang unang nagtanong sa kanya. Magsasalita pa lang sana ako nang marinig kong may tumawag sa akin.

"Elyon si Carl!" napalingon ako kay Akihiro na makikitang namamangha sa nasaksihan niya pero nag-aalala pa rin sa kaibigan niya. Hindi ko na muna 'yun inintindi dahil kailangan ko nang maipasok ang santelmo kay Carlisle bago mahuli ang lahat.

Patakbo akong lumapit sa katawan ni Carlisle. "Kailangan mo akong ilapit at itulak sa katawan niya upang makapasok ako sa loob." Tumango ako at sinunod ang sinabi niya. Agad ko siyang inilapit sa dibdib ni Carlisle at itunulak iyon ng puwersahan. "Sige pa binibini."

"Ito na..." mas lalo ko pang ginamitan ng puwersa, lahat ng enerhiyang mayroon ako ay ibinigay ko na maipasok ko lamang si santelmo. "Yah!!!" napasigaw na talaga ako.

"Konti pa..." sabi ng santelmo hanggang sa maipasok ko na nga siya ng tuluyan dahilan kung bakit nawala na rin ang liwanag.

Habol ko ang aking hininga habang hawak ang dibdib ni Carlisle kung saan ko naipasok ang santelmo. Samantala napatingin naman ako sa itsura ng lahat nang narito at halos lahat sila'y parang napatulala, maliban sa isang lalaking nakasuot pa rin ang buong katawan ng tela. "Naipasok ko na." Sabi ko lang sa kanila kaya lahat sila ay ngayon pa lang nagsigalaw.

"Elyon nagawa mo, nagawa mo nga!" bakas sa mukha ni Akihiro ang kasiyahan. Hinawakan pa nito ang magkabila kong balikat. "May masakit ba sa'yo?" tanong niya sa akin habang sinisiyasat niya ang katawan ko, maging ang aking mga kamay ay hinawakan din niya. "Walang paso..."

"Sapalagay ko, okay lang naman ako." Sabi ko sa kanya.

"Paano mo nagawa 'yun?" tanong niya. Hindi ko siya masagot dahil kahit ako'y hindi ko rin alam. Magsasalita pa sana siya ulit ngunit biglang kumilos si Carlisle. "Carl..."

Agad namin siyang tiningnan at hinintay na tuluyan siyang magkamalay. Pagdilat ng mga mata niya'y nakatingin siya sa akin. "Anghel..."

"Huh?" takang tanong ko sa kanya.

Tinitigan pa niya ako ng matagal pero nagtinginan lang kami ni Akihiro. "Baka nagha-hallucination lang siya dahil sa near death experience," sabi ni Akihiro. Ibinalik namin ang tingin sa kanya. "Carl... Ayos ka lang ba?" tanong nito pero imbis na sumagot ay agad itong bumangon. "Wait lang Carl hindi ka pa okay."

"Maayos na ako." Walang reaction niyang sabi. Tsk, okay na nga talaga siya. Bumalik na 'yung magaspang niyang ugali eh.

"Imposible... Imposibleng magawa mo iyon! Sino ka ba talaga?" tanong ni Nicole na mukhang nakahupa na sa pagkatulala. "Anong panlililinlang ang ginawa mo para mahawakan mo ang santelmo!"

The Cold Mask And The Four Elements (Book 1)Where stories live. Discover now