56: MATCH (THE REVELATION 2)

874 46 7
                                    

Nagulat din si Akihiro at pinamulahan ng mukha dahil sa sinabi ni Dick. Napayakap tuloy ako sa aking sarili at umakyat ang kilabot sa aking boong katawan.

"Ah, h-huwag kang mag-alala, walang malisya 'to." Sabi ni Dick na parang naiilang na rin sa sinasabi niya.

"Anong walang malisyang pinagsasabi mo?" Nasa katinuan ba itong si Dick at kung anu-anong lumalabas sa bibig niya?

"Haharangan ka ng katawan ni Akihiro habang nakatalikod siya. 'Yu-yung likod mo ay isa sa pinakamalala bukod sa iba mo pang sugat kung hindi natin ito malulunasan baka maimpeksyon at magdulot pa ng mas malalang problema."

Magsasalita na sana ako pero naagaw ng atensyon namin ang paglalaban ng dalawang nilalang na nasa sentro ng espasyo pero bago pa tuluyang ma-okupa ang aming atensyon ay muling nagsalita si Dick. "Tama ka sa sinabi mong may pagpipilian ako subalit hindi ko ginawa dahil una palang alam kong walang mali sa disisyong ginawa kong maging kaibigan ka." Dahan-dahan akong tumingin kay Dick at nakita ko ang sinsiridad sa kanyang mga mata.

"Ngunit kapalit n'un ang pagsuway mo sa iyong Ama."

"Lola ko rin ang dating sisidlang nakahanap at nagtiwala sa iyo. Ang maging balanse ang mundo ang isa rin sa pinaka-importante sa lahat."

Nakaramdam ako ng guilty dahil nagkaroon ako ng pag-aalinlangan kay Dick, una palang iba na siya sa kanilang magkakapatid. "Salamat pero kung maari sana bawasan mo na ang pag-aalala sa akin at huwag mo ng gamutin ang sugat ko sa --- likod." Shems, nahihiya na naman ako kapag naiisip ko yung hubad factor na 'yan. "K-kakayanin ko pang lumaban."

"Pero..."

Sinamaan ko na siya ng tingin kaya hindi na nito tinuloy ang gusto niyang sabihin. Abala na rin si Akihiro sa panonood sa dalawang taong maglalaban.

"Hi!" Bati ni Troy sa kalaban niyang babae. "Sorry pero hindi ako magiging gentleman sayo." Hindi siya inimik ng babae sa halip ay ini-angat lamang nito ang kanyang flute.

"Sino siya?" Tanong ni Akihiro.

"Leigh Brairrie, grade 8." Sabi ni Dick na inalalayan akong tumayo upang mas makalapit pa kami ng kaunti.

"She looks familiar." Napakunot ang noo ni Akihiro. "Siya ba 'yung niligtas ni Alex noon na na-bully sa canteen?"

Tumango ako bilang confirmation.

"May problem sa tongue niya kaya hindi siya makapagsalita ng maayos." Muling paliwanag ni Dick. Kayapala utal-utal siya noong nagpasalamat siya kay Alex. Teka ganoon na talaga niya kakilala si Leigh?

Napansin naman nito ang pagtataka sa aking mukha kaya muli itong nagpaliwanag. "Delegate siya ni Ms. Harmony, madalas itong magpunta sa castle upang paghandaan ang paligsahan. One time dinala niya si Leigh Brairrie upang ipakilala kay dad kaya nalaman ko kung sino siya."

Napangisi si Troy ng marinig ito. "Ganoon naman pala. Galingan mo na lang para ganahan ako Miss Leigh." Normal lang ang tono ng boses ni Troy pero medyo napa-isip ako kung anong kakayahan niya.

Tumango lang si Leigh at itinaas nito ang kanyang flute at inilapit nito sa kanyang bibig. Gaya ng inaasahan ko, nakahalo sa sounds nito ang enerhiya na makikitang lumalabas din sa kanyang flute.

T-teka parang alam ko ito ah.

"Takpan niyo ang tenga niyo!" Sabi ni Dick kaya iyon ang ginawa namin. Gaya ng inaasahan ko gusto niyang patulugin si Troy kaya ilang minuto lang ay agad bumagsak ang kalaban sa sahig.

Ganun lang 'yun?

Nagulat kami ng may mabilis na bagay ang papunta kay Leigh kaya huminto ito sa pagtugtog ng flute dahil ginawa niya itong pansalag.

The Cold Mask And The Four Elements (Book 1)Where stories live. Discover now