20: OUTSIDE WINTER TOWN

1.5K 66 21
                                    


Natapos ang aming P.E, nanalo ang blue team at yellow team kaya sa next week ang dalawang nanalo naman ang maglalaban para sa pagtatapos ng first periodical exam.

Tagatak ang pawis sa aking mukha at katawan. Ito ang mahirap kapag nakamaskara ka, hindi ko pwedeng tanggalin kahit na kaunti ang maskara ko dahil sa mga maloko kong kaklase. Baka mapagtripan ako mahirap na.

Agad akong lumabas upang magtungo ng comfort room para roon magpunas ng pawis sa aking mukha. "Ely!" napalingon ako kay Dexter.

"Ang galing natin." Kasunuran nito ang iba pa naming ka-team. "Galingan natin next week." Lahat sila'y nakangiti sa akin.

Tumango lang ako at agad na rin silang tinalikuran. Medyo hindi ako naging in character kanina dahil sa tuwang naramdaman. Siopao lang masyado kasi akong nadala sa tuwa.

Napapailing ako sa aking sarili. Hindi ako dapat makipagkaibigan sa lahat, hindi iyon pwede. Kailangan kong ipa-alala palagi sa aking sarili na iba ang goal ko kung bakit ako nandito at kung bakit ayokong makipagkaibigan sa lahat.

Matapos kong magpunas ng pawis sa comfort room ay agad na akong nagtungo sa locker room at nagpalit ng damit.

Maingay at nagtatawanan ang mga babae sa locker room, kung ano-ano ang pinag-uusapan nila, kagaya na lamang ng mga crush nila o 'yung mga hinahangaan nila kanina lang.

"Grabe, sayang si Carlisle ano? Ang astig pala niya."

"Suplado lang."

"Pero mas guwapo si Troy. Omg!!!"



Sinara ko ang pintuan ng locker ko at agad nang lumabas sa kwarto. Naglakad ako palabas ng building ng grade 10 hanggang makarating ako kung saan naka-park ang aking bike.

Binagtas ko ang daan palabas ng village pero sa ibang ruta ako dumaan. Gusto ko kasing makabisado ang ibang daan palabas.

Napahinto ako dahil sa puno ng cherry blossom. Hindi ko akalain na meron rin palang ganito sa winter town. Humangin ng bahagya kaya nahulog ang ilang bulaklak nito sa lupa.

Binuksan ko ang aking palad at may bumagsak ritong isang pirasong talutot.

Malapit nang matapos ang summer dito sa loob ng winter town at taglagas na ang susunod na season kaya kumuha ako ng ilang mga nahulog na bulaklak at sinilid sa aking notebook. Mabuti na lang dumaan ako rito kung nagkataon hindi ko masisilayan ang ganda ng punong ito.

Nagpatuloy na ako sa pagtahak sa bahay ni Master Hagiza. Itinago ko sa isang malaking puno ang aking bisekleta saka nagpatuloy sa pagpasok sa gubat.
Naabutan kong may hawak na mga gulay si Master Hagiza. "Mabuti naman at dumating ka na." Pambungad niya sa akin "Heto..."

Medyo pabigla ang pag-abot nito sa akin ng mga gulay. "Anong gagawin ko rito?" tanong ko sa kanya.

"Pakainin mo 'yung baboy doon sa likod bahay."

"Ano? Bakit ako? Baka sunggaban na naman ako n'un."

"Aba at nagrereklamo ka na ngayon?!" napakamot na lamang ako sa aking batok.

Wala na akong nagawa kun'di ang magtungo sa likod bahay at naabutan ko ang baboy na masama ang tingin sa akin. "Problema mo?" inihagis ko ang aking bitbit na gulay sa direksyon niya pero nakaramdam ako ng malakas na kotong sa likuran. "Yah!" Sigaw ko sa matandang hukluban.

"Hindi ganyan magpakain, dapat 'yung may pagmamahal."

Hala?! kelan pa niya alam ang salitang pagmamahal? Tinitigan ko siya ng makahulugan.

"Dudukutin ko 'yang mata mo."

Sinimangutan ko lamang siya at lumapit ng kaunti sa baboy. Agad kong inilabas ang aking napakagandang ngiti rito at nagsalita ng may paglalambing. "Baboy, ito na ang pagkain mo oh. Kumain ka ng marami para lalo kang maging mataba at malaman para sulit kapag nasintensyahan ka na.... aray!!!" naramdaman ko kasi na may tumama sa ulo ko, nang tingnan ko ang bagay na nasa lupa 'yung malaking pamaypay pala nang matandang hukluban. "Ano na naman ba?!" Nagpapadyak na ako sa asar.

The Cold Mask And The Four Elements (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon