4: NICOLE

2.2K 79 11
                                    

Kasaluyan akong nasa locker para magpalit ng rubber shoes at P.E Uniform. Bukod sa locker area namin sa hallway ay may isa pa kaming locker room na para naman sa
P.E.

"So totoo nga?!" Napatingin ako sa babaeng nagsalita. Na starstruck ako sa itsura niya. Kulay ginto ang buhok nito na mahaba at kulot sa bandang ibaba, bilugan ang kanyang mukha at mamula-mula ang pisngi, in short mukha siyang anghel "Ikaw pala ang Phantom ng School."

Phantom? Anong pinagsasabi ng isang 'to? Hindi ko na lang siya pinansin at lumabas na ako ng locker room.

Nagulat na lang ako ng may humablot nang aking braso. Nang lingunin ko kung sino ang may gawa 'yung mukhang anghel pala. Napatingin ako sa braso kong mahigpit niyang hinahawakan. Nakakaramdam na ako ng sakit lalo nang higpitan nito ang pagkakahawak. Pinilit ko ang hindi ngumiwi lalo na sa harapan niya at ng ibang tao. Sino ba ang babaeng 'to?

"Kapag kinakausap kita huwag mo akong tatalikuran!" Maangas nitong asta.

Nakakarinig na naman ako ng mga bubuyog sa paligid. Nang tingnan ko marami ng nakapalibot sa amin.

"Sino ka ba para pag-aksayahan ko ng panahon?" Sinabi ko ba kaninang mukha siyang anghel? Ngayon mukha pa rin naman siyang anghel na hinulog sa lupa. Ang sama pala ng ugali ng babaeng 'to?

"Nicole!" Humawi ang mga nakiki-usyosong estudyante at niluwa nito ang isang pamilyar na lalaki. Siya 'yung nagbigay sa akin ng upuan nung isang araw sa canteen, ang pinagka-iba lang nakasalamin na siya ngayon.

Lumapit siya sa direksyon namin. "Tama na yan."

So Nicole pala ang pangalan niya. Nang pakawalan niya ang braso ko parang muling dumaloy ang dugo sa parteng iyon ng katawan ko.

Bago sila umalis tiningnan muna ako ng masama ni Nicole. Unti-unti na ring nag-alisan ang lahat ng nakikipagtsismisan.

Tiningnan ko ang braso ko. Nagmark ang kamay ni Nicole. Sa mahinhin at mala anghel niyang mukha hindi mo aakalaing may tinataglay siyang pambihirang lakas. Sino kaya siya? Halos baliin na niya ang braso ko sa higpit ng pagkakahawak niya.

Nang makarating ako nang gym naabutan ko ang mga kaklase kong naggo-groupings na.

"Miss. Yu lumapit ka na rito!" Tawag sa akin ng teacher namin sa P.E.

Magkahiwalay ang babae at lalaki dahil ang laro para sa mga babae ay pasahang bola. Samantalang iba naman ang laro para sa lalaki.

Sa pag-uumpisa ng aming laro, hindi ako pinapasahan ng mga kagrupo ko. Anong meron? Mukha akong tangang nag-aantay ng mga magpapasa sa akin at kung kailan sumuko na ako ay tsaka naman ako pinasahan o mas tamang sabihin binato ng bola.

Tumama sa ulo ko ang bola dahilan para mawalan ako ng balanse at mapa-upo sa sahig. Medyo nakaramdam ako ng konting pagkahilo sa ginawa ng kaklase ko.

"Miss. Yu!" Lumapit ang teacher namin at tinulungan akong tumayo. Nahawakan ko ang ulo ko dahil medyo umiikot pa ang paningin ko. "Ayos ka lang?" Isa sa pinaka kina-iinisan kong tanong 'yan. Mukha ka bang magiging maayos kung sadyaing batuhin ka ng bola?

Gusto akong dalhin sa clinic ng teacher namin pero tumanggi ako. Pinilit kong bumalik sa katinuan at tumingin sa kaklase kong bumato sa akin nang bola. Nakangisi siya sa mga oras na ito.

Dahil ako ang taya kaya nasa gitna ako ngayon para agawin ang bola. Pinapakiramdam ko ang bawat kilos nila dahil kung hindi ako nagkakamali mas dehado ako ngayon sabayan pa na hindi nakatingin ang teacher sa amin.

Hindi ko alam kung anong ginawa ko sa kanila kung bakit sila nagkakaganito pero wala akong panahong magtanong. Nagpapasahan na sila sa mga oras na ito pero nakatayo lang ako at sinusundan ang bola.

The Cold Mask And The Four Elements (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon