44: STRANGERS (3)

988 45 8
                                    

Hinatid kami ni Kyzhen sa ibaba at tumambad sa amin ang napakaraming customer ng Dark Cafe.

Napatingin ako sa counter area, kung saan abalang kumukuha ng order ang classmate ni Francis. Kung hindi ako nagkakamali Frigelle ang pangalan nito. "Nabanggit sa akin ng kapatid ko ang tungkol sa inyo." Naagaw ng atensyon ko ang sinabi ni Kyzhen.

"Immortal din ba ang kapatid mo?"

Nauna na si sensei at Carl sa labas.

Umiling ito. "Sa aming angkan ako lang ang immortal subalit hindi rin pangkaraniwan ang kapatid ko. Hindi ko nga lang maaring ibunyag sa ngayon."

Hindi na ako umimik pa. Marami pa sana akong gustong itanong pero kailangan kong ng magmadali dahil madilim na sa labas at habang hindi pa ako napapansin ni Frigelle.

Naiintidahan ko si Kyzhen. Gaya niya hindi pa ito ang tamang panahon para malaman nila na kabilang ako sa paligsahan.

"Akihiro tama?" Tinanguan ko siya bilang tugon. "Kung maaari sana huwag mo na lang sabihin sa kapatid ko ang tungkol dito."

Muli akong sumulyap kay Frigelle upang makasiguro na busy pa rin siya sa ginagawa. "Same senpai. Kung maari wala sanang makaka-alam ng tungkol sa amin." Kinamayan niya ako bilang deal sa usapan namin.

Lumabas ako ng Dark Cafe at naabutan si Carl at sensei sa labas.

Elyon

Matapos ang aking klase ay agad akong nagtungo sa gubat. Hindi pa rin humihinto ang pagbagsak ng niyebe kaya naman mas lalo kong inayos ang aking makapal na jacket.

Halos malapit na ako sa bahay ni Master Hagiza nang may maramdaman akong kakaiba sa paligid. Kakaiba rin ang naaamoy ko na parang singaw sa tuwing maalinsangan ang panahon. Maalinsangan na amoy sa panahon ng taglamig?

Huminto ako sa aking paglalakad at kinundisyon ng maigi ang aking pandama. Hindi ako kumilos upang mas malinaw kong marinig ang pagkilos sa aking paligid. Walang kumikilos subalit may nararamdaman akong kakaibang enerhiya. Hindi nga lang ganoon kalakas 'di tulad ng naramdaman ko kahapon at noong isang araw. Nangilabot ang aking katawan kahit hindi ito ganoon kalakas.

Ang mga enerhiyang ito ay nakakatakot, kahit hindi ganoon kalakas.

Ilang sigundo pa at nakaramdam na ako ng pagkilos. Hindi lang isa kundi...

Marami sila.

Hindi ko nga lang matansya kung gaano sila karami pero sapat na iyon para malamang dehado ako ngayon. Unti-unti silang lumabas mula sa mga halaman at malalaking puno.

B-black ninjas? Sila na naman?

Mas nagulat ako ng magliwanag ang kanilang mga mata. Naging kulay pula ang mga ito na tila mga... Halimaw.

Nakaramdam ako ng takot dahil hindi ko alam kung anong klaseng nilalang mga ito. Hindi ganito yung mga nakalaban namin noon ni Master Hagiza at yung humahabol noon sa kuya nila Dick.

Halatang hindi sila mga tao, mukha ring wala silang planong buhayin kung sino man ang makakabangga nila.

Hindi pa rin ako kumikilos, subalit alerto ang aking mata upang makahanap ng matatakbuhan. Hindi ko kayang labanan silang lahat kaya dapat akong maka-isip ng paraan kung paano makatas.

Isa-isang sumugod ang mga ito kaya hinanda ko ang aking sarili sa pagdipensa at pag-atake. Sumipa ang isa nang forty five degrees sa kanan na agad namang sinalag nang aking braso. Sinuntok ko siya sa dibdib kaya nakalayo siya sa akin.

May dalawang sumugod sa aking kaliwa at pinaulanan nila ako ng sipa at suntok pero nadidipensahan ko iyon. Naramdaman ko na lang na may susugod sa akin sa likod, habang nakikipaglaban ako sa dalawang halimaw.

The Cold Mask And The Four Elements (Book 1)Where stories live. Discover now