10: CAMERA

1.7K 73 0
                                    


Kaming dalawa na lamang ni Ms. Harmony ang natira sa music room hindi na ako nagpatumpik tumpik pa.

"Wala po bang special project para sa akin?" Tanong ko sa kanya.

Napakunot ang noo niya marahil nagtataka siya sa tinanong ko. "Bakit kita bibigyan ng special project?"

Ako naman ang nagtaka sa sinabi niya. Hindi ba niya alam na hindi ako puwede sa camera? Ang alam ko lahat ng empleyado at teachers alam ang kundisyon ko.

"Ano kasi... ahm... hindi ko puwedeng hubarin ang maskara ko."

"Sinong may sabing huhubarin mo 'yan? Kahit isuot mo pa iyan sa music video walang problema."

"Pero gusto ko pa rin ng ibang project huwag lang ang music cover. Kahit ano gagawin ko basta wag lang po 'yun."

Pero mukhang walang balak si Ms. Harmony na bigyan ako ng ibang project.

"I'm sorry Ms. Yu pero kung mag iiba ka ng project baka magreklamo sa akin ang mga kaklase mo."

Kinagat ko na lang ang labi ko para hindi ako makapag salita ng laban sa kanya. Tatalikod sana ako pero naalala kong pina-iwan niya pala ako. "May sasabihin po ba kayo sa akin?"

"Hindi na ako magpapaliguyligoy pa gusto kong magkaron ka ng special performance sa acquaintance party. Ang theme naman ay masquerade kaya walang makaka---"

"Ayoko." Hindi ko na siya pinatapos. Alam ba nito ang sinasabi niya? Acquaintance party? May ganito pala sa school bakit kaya sa public wala?

"Patapusin mo muna ako."

"Ayoko ng attention, ayoko ng camera bakit hindi niyo po maunawaan 'yun?" Tumaas na ang boses ko. Ito nga lang music cover problema na dadagdagan pa ng panibagong problema. Nananadya ata siya eh.

"Miss Yu. Don't forget, I am your teacher."

Buwisit! Kahit gusto kong mag-walk out hindi puwede, gaya nga ng sabi niya teacher ko pa rin siya at kahit hindi major subject ang music ay makaka apekto pa rin ito sa grades ko. "Mianhe." Yumuko na lang ako.

"I knew your condition pero sayang ang talento mo kung itatago mo na lang."

Gusto kong matawa sa sinabi niya. "Alam niyo po ang kalagayan ko pero gusto niyo pa rin akong ma-expose sa lahat dahil lang sa talent na meron ako?" Naiirita na ako pero kailangan ko pa ring magpasensya.

"Dahil wala akong paki-alam. Isa akong alagad ng sining kaya sobrang humahanga ako sa mga taong may kakayahan tulad mo. Nakita mo ba ang reaction ng mga kaklase mo noong kumanta ka? Hindi dahil sa ganda lang na boses na meron ka kung 'di dahil parang nakakahipnotismo ang boses mo. Kaya mong iparamdam sa amin ang ibigsabihin ng lyrics ng kanta at bibihira lang ako makakita ng kagaya mo."

Aaminin ko gusto kong tumalon sa saya dahil sa compliment pero kailangan kong magkunwaring wala akong paki-alam.

"Alam kong mahirap 'tong mga pinapagawa ko sa'yo pero sisiguraduhin kong hindi ka madedehado. You can still put your mask during performance since it's a masquerade and I will hide your name just incase you dont like."

"Useless dahil malalaman pa rin nila dahil sa music video." Kung madaling makamemorya ang iba base sa boses, maaring makilala rin nila ako kapag kumanta ako sa acquaintance party.

"Pag-isipan mo muna Miss Yu."

Tumango na lang ako at lumabas na ng music room. Napadaan ako sa bulletin board at nakita ko ang mga estudyanteng nagkukumpulan kaya nilampasan ko na lang sila. Bukas ko na lang sisilipin kung ano man ang bagong nakapaskil sa bulletin board.

The Cold Mask And The Four Elements (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon