24: RESULT

1.4K 66 9
                                    


Natapos ang klase at agad namang nagsilabasan ang mga tao sa bawat classroom.

Gaya nang nakagawian inantay ko munang magsilabasan ang mga kaklase ko bago ako tumayo at lumabas.

Pinuntahan ko ang bulletin board upang tingnan ang resulta ng aking exams. Medyo kabado pa ako kaya hindi agad ako lumapit.

"Ako na titingin." Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Rune. Hindi ko naman siya pinigilan at hinanap ang pangalan ko. "Hmmm..." Lalo akong kinabahan noong huminto siya sa pagtingin. "Hindi na masama... Pang---"

Hindi ko na siya pinatapos at agad na akong lumapit. Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko kung pang-ilan ako. Tama si Rune hindi na masama kung pang ilan ako sa klase namin at kung anong grado ang nakuha ko sa over all computation. Thirty lang kami sa klase at Thirteen ang pangalan ko habang 82% naman ang final computation ko sa lahat ng nakuha ko sa exams.

"Panglima pala si Dexter. Wah! Matalino na talented pa." Sabi ni Rune na halos magningning na ang mata. Tsk, akala ko naiiba siya sa mga babaeng nakilala ko.

Binalik ko ang aking paningin kung sinong nangunguna. "Si Carlisle?"

"Ano 'yun?" tanong ng kasama ko rito. Akala ko naglalakbay pa rin ang diwa niya eh.

Hindi ko siya pinansin at naglakad na ako palayo sa bulletin board. Bakit pa ako nagtataka? Eh una pa lang binabalandra na niya sa'kin ang talino niya!

"Ely..." Tiningnan ko lamang si Rune. "Pupunta ka naman ng acquaintance party diba?"

"Hindi ko alam." Pero hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na kakanta ako sa party.

"Pupunta ako." Napatingin ako sa kanya. "Akala ko hindi ka mahilig sa Party?" biglang nagnining ang kanyang mga mata. Shems, parang alam ko na. "Huwag mo nang sabihin. Mukhang alam ko na ang dahilan." Wala na, pati ang wirdong 'to naging tao na rin.

"Ano kaya ang susuotin ko?" tanong niya sa'kin pero hindi ko siya sinagot. "Woi Ely tulungan mo naman ako."

At sa'kin pa talaga siya nagpatulong ah. Tuluyan ko na kayang suntukin 'to ng matauhan.

"Sige na Ely please... Samahan mo ako mamaya sa Village hah!"

"Ayoko..." Matikas kong pagtanggi sa kanya pero ang ending napadpad pa rin kami sa botique ng mga gown. Paano hindi ako tinantanan ng babaeng ito.

Nakaupo lamang ako at nagmamasid sa ginagawa niyang pagpili habang panaka-nakang tumitingin ang mga staff sa akin. "Tao po ako kaya huwag niyo na akong titigan." Parang natauhan naman ang mga babae at agad na inasikaso si Rune.

"Ely bagay ba?"

"Hindi." Walang kalatuy latoy kong sabi pero wala lang sa kanya at umikot pa ang bruha sa salamin. "Bilisan mo na at may gagawin pa ako."

"Oo na, ito na nga eh." Matapos niyang bilhin ang isusuot sa acquaintance party ay agad na rin kaming lumabas ng botique pero imbis na uuwi ay hinatak pa ako ni Rune. "Magkape muna tayo Ely... Minsan lang ako lumalabas ng lungga ko tapos nakasama pa kita. Saka balita ko may sikat na cafe rito sa Winter Town, 'yung dark cafe ata 'yun?!"

"Ayoko." Hinatak ko ang aking braso at agad tinalikuran si Rune, sakto naman na may biglang sumulpot sa aking harapan at nagkabungguan kaming dalawa.

Na out of balance siya at tumilapon ang mga bitbit niyang malaking kahon na katulad kay Rune. Agad ko naman iyong kinuha at binalik sa kanya.

Teka, ito yung babaeng nagbigay sakin ng chocolate. Ngayon ko lamang siya natingnan ulit dahil noong una hindi ko naman siya tinitigan pero nito lamang mga nagdaang araw ay napapansin ko na siya. Mas maliit lang siya sa'kin ng kaunti, wavy ang hair na hanggang bewang, may kalakihan ang tenga, paoblong ang shape ng mukha, at may bilugang mata. Wait nga lang bakit parang kapansin pansin ang mukha niya sa'kin? Parang may kamukha siya eh. Sino nga 'yun? Ewan hindi ko na matandaan. "Meanhe." Paghingi ko ng paumanhin.

The Cold Mask And The Four Elements (Book 1)Where stories live. Discover now