61: MATCH (The Annoying Majestic Creature 1)

833 33 7
                                    

Pagkain...

Tipid na sagot sa akin ni Dick. Pagkain? Kakain muna siya bago lumaban? Seryoso ba siya? 

Tumulo ang blood nito sa sahig at binuksan ang maliit na tupperware. Inilapag niya sa sahig na malapit sa kanyang blood at nag-usad nang dasal na hindi ko maintindihan. Habang tumatagal ay palalim nang palalim at palakas nang palakas ang chanting niya.

Wala naman akong masyadong nakakikitang kakaiba maliban sa panibagong energy na parang papunta sa lugar namin.

Dumilat si Dick at hinampas ang sahig na may dugo. Umilaw at nagkaroon ng kakaibang printing doon hanggang sa bigla na lang itong sumabog kaya hinarangan ko ang aking ulo dahil sa mga piraso ng batong papunta sa direksyon ko.

Unti-unting nawala ang usok pero this time kalmadong nakatayo lamang si Dick.

"Ano ba 'tong inalay mo?! Hindi bagong luto?!" manipis at medyo nakakarinding boses ang narinig ko. Nang tuluyang mawala ang usok nagulat ako sa hayop na nagsasalita. 

Napakamot si Dick sa kanyang batok. "Ganyan ka ba mangamusta sa dati mong kaibigan?"

"Kaibigan? paano mo nasabing magkaibigan tayo huh! Pagkatapos mo akong iabanduna ng ilang taon kaibigan pa ba kitang maituturing?!" high blood ang maliit na hayop at tila tumatalsik ang laway nito habang inaaway si Dick. Pinipilit na lang ngumiti ni Dick sa kanya at itinaas pa nito ang kanyang magkabilang kamay para pakalmahin ang maliit na hayop.

Inubos nito ang natitirang pagkain niya at nagpamewang pa.

Ibang klase.

"Siguro may jowa ka na ano? Pinagpalit mo na siguro ako sa kanya ano. Nasaan na 'yang jowa mo at nang makain ko."

"Huminahon ka." Saway ni Dick na hanggang ngayon ay hindi maipinta ang mukha.

Kung hindi ako nagkakamali isa siyang nagsasalitang fox. Alam ko namang majestic ang mga tulad nila lalo na sa Japan pero hindi ko akalain na makakasaksi ako ng totoong fox na nagsasalita.

Lumingon ito sa paligid at bigla siyang napatingin sa akin. "Hoy babae!" naituro ko ang sarili ko. "Malamang ikaw lang naman ang babae d'yan. Alangan naman 'yang lampang lalaking katabi mo." Napatingin ako bigla kay Akihiro na parang nilalabasan na ng ugat sa noo. Siguro nagpipigil itong mainis sa maliit at nagsasalitang hayop.

"Ba-bakit?"

"Ikaw siguro ang jowa nitong si Dick ano?"

"Huh?"

Bakit ako napagbintangan nitong hayop na 'to? At ano ang basehan niya para manghulang boyfriend ko ang amo niya? "Hi-hindi ko boyfriend ang amo mo."

Nanlaki ang mga mata niya at ilang minuto lang ay napapikit ito. Bigla kong nakita ang ugat niya sa noo. 

Teka, may nasabi ba akong hindi maganda? 

"Anong sabi mo babae?" 

Parang nakikita ko ang madilim nitong awra kaya bigla akong napalunok ng laway at parang nanginig ang laman ko. 

 "KAILAN KO PA NAGING AMO ITONG PAYATOT NA ITO HUH!!! HALIKA RITONG BABAE KA. KAKAININ KITA!" Akma itong susugod sa akin pero agad siyang pinigilan ni Dick.

"Huminahon ka utang na loob. Huminahon ka Vixen!"

Gusto ko sanang tumakbo o kaya magtago sa likod ni Akihiro kaya lang may sugat pa pala siya. Ayoko naman kay Troy dahil baka mas lalong delikado ang buhay ko. Eh kung kay Carlisle kaya? 

Lumingon ako sa kanya pero pinagsisihan ko rin dahil parang alam niya ang binabalak ko at tila warning sa akin nang makita ko ang isa niyang mata. 

The Cold Mask And The Four Elements (Book 1)Where stories live. Discover now