CHAPTER THIRTY-FOUR

11K 160 35
                                    

[STHEP’S POV]

Ilang linggo na din ang nakaraan simula nang iwan ni Damon si Kathy. At hindi lang basta literal na pag-iwan ang ginawa nito sa kaibigan ko kundi kinalimutan din nito ang huli na para bang hindi ito nag-exist sa mundo niya.

Simula nang mangyari yon, ni minsan ay hindi ko nakitang ngumiti ang bestfriend ko. Ni hindi ito nagsasalita. Kulang na lang ay hindi ito huminga. Kumbaga, nakakasama ko siya araw-araw pero daig pa niya ang zombie. She’s useless and helpless. Ilang beses ko na din siyang pinagsabihan pero hindi siya nakikinig. At tuwing makikita niya si Damon na dadaan sa harapan niya? Awtomatiko ang kanyang mga mata sa pagluha. Ang weird nang mundo ngayon. Nung una, sinabi ni Kathy sakin na isang demonyo si Damon tapos ngayon naman kung kumilos si Damon ay para bang ibang tao ito. Hindi kaya nasisiraan lang sila pareho nang ulo?

“Sthep ...”

Lumingon ako saka ngumiti. “Oh chum?”

“Late na ba ako?” Tanong niya. Her face was emotionless. Tulala lang siya sa kawalan.

Tumingin ako sa wrist watch ko. Alas siyete pa lang ng umaga. Sakto lang sa pagpasok nang isang estudyante. Dati kasi’y alas sais pa lang nandito na siya sa school. “Late saan?” Nagtataka kong tanong sa kanya.

“Dumaan na ba si Damon?”

Pinigilan ko ang bunganga ko sa pagsasalita. Alam kong may masasabi na naman akong masama tungkol sa lalaking yon at sa kagagahan niya ngayon.

“Oo. Kanina pa.” Pagsisinungaling ko. “Kaya halika na, tumaas na tayo.”

Hindi naman ako nahirapang kumbinsihin siya. Agad naman siyang sumama sakin sa itaas. Inihatid ko siya sa klase niya. Wala pang tao roon pero nagpaiwan siyang mag-isa.

“Chum, ngumiti ka naman. Para sakin ... please?” Pakiusap ko sa kanya.

Hindi naman niya ako binigo dahil unti-unti namang kumurba ang mga labi niya para ngitian ako. Ngumiti din ako kay Kathy bago ko siya tuluyang iniwan.

Kung nahihirapan siya ... mas nahihirapan ako. Hindi kasi ako sanay na makita siyang ganon ka-stagnant. Halos ayaw na niyang kumilos. Halos ayaw na niyang mabuhay. Naiinis ako – sa kanya at sa sarili ko. Naiinis ako sa kanya kasi bakit sa dinami-dami nang lalaking pwede niyang mahalin ... si Damon pa. At naiinis ako sa sarili ko dahil hinayaan kong mahalin nang bestfriend ko ang lalaking tulad niya. 

“Kumusta si Kathy?”

Hindi ko namalayan na may tao pala sa gilid ng hallway. Napaatras pa ako sa gulat.

“Ano namang paki-alam mo sa kaibigan ko?” Mataray kong sagot sa kanya. “Tigilan niyo na siya. Cancer kayo sa buhay niya.”

Pagkasabi ko noon ay lumakad ako palayo kay Erick.


[DAMON’S POV]


“Anak ...



... Damon.”

Isang tinig na tila ba nanggagaling sa ilalim nang lupa ang narinig ko.

“S-sino ka?”

“Anak ... huwag mong hayaang manaig ang kasamaan sa pagkatao mo. Hindi ikaw yan Damon. Hindi ikaw yan.”

“Ano bang sinasabi mo? Hindi kita kilala.” Hinahanap nang mga mata ko ang pinanggagalingan nang boses ngunit hindi ko yon makita.

Nasan ba ko?

“Wag mong hayaang mawala sa’yo si Kathy ... wag.”

“Damon ... Damon!”

The Devil's SonWhere stories live. Discover now