May 23, 2019 (cont)

238 20 4
                                    

May 23, 2019

The events today seemed to have passed by in a blur.

It is 7:43 in the evening now, and my little brother is still missing.

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin mapagtanto ang eksaktong nangyari. Everything was confusing. One minute I was asleep, and then the next moment I woke up outside our front door, shouting my little brother's name. Hindi ko alam kung ano 'yung mga totoo sa nangyari, at alin ang panaginip lang. All I know is my little brother's missing, and he might be in danger.

I need to find him.

As soon as possible.

Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya.

Earlier, at about 2 o'clock in the morning, I finally managed to fall asleep. Nahirapan akong makatulog dahil hindi maalis sa isip ko ang mga mukha nina Kaster at Ruru habang kinakain sila ng ina ni Hannah.

Less than five minutes after I fell asleep, I started having a nightmare.

I was standing in our front yard, wearing nothing but my boxer shorts. Buhat-buhat ko ang tulog na si Marty. Hindi ko alam kung bakit, pero parang may hinihintay akong dumating.

Finally, after a few minutes, someone arrived. Walang iba kundi si Mr. Harold. He was fully-naked, slowly walking towards me. His sinister smile was unwavering, his stare fixed on me.

Nang makalapit siya sa akin, inilipat niya ang kanyang tingin sa natutulog na si Marty. Walang pag-aalinlangan kong ibinigay sa kanya ang aking kapatid. Mas lalong lumapad ang ngiti ni Mr. Harold, at dahan-dahan siyang naglakad palayo, buhat ang kapatid ko.

Then I woke up. In our front yard. Wearing the same boxers that I was wearing in my nightmare. In my panic, I screamed my brother's name at the top of my lungs. Pagkatapos ay kaagad akong pumasok sa bahay upang i-check si Marty. Sure enough, wala siya sa kwarto niya. Pumunta ako sa sarili kong kwarto, pati sa tinutulugan ni Hannah. I searched every nooks and crevices of our house, pero hindi ko nakita ang kapatid ko.

He is gone.

Naupo ako sa couch at nagsimulang umiyak. Sakto naman na nagising si Hannah. Tinanong niya sa akin kung anong nangyari, at sinabi ko sa kanya ang lahat.

Hindi ko alam kung ano ang panaginip sa totoong nangyari. Ibinigay ko ba talaga kay Mr. Harold ang kapatid ko nang walang pag-aalinlangan? Bakit? Anong pumasok sa kukote ko at ginawa ko iyon?

Tangina, nababaliw na ko.

AnathemaWhere stories live. Discover now