May 24, 2019 (pt 3)

236 20 4
                                    

May 24, 2019, 2:13 PM

Hindi pa rin nagkakamalay si Murphy hanggang ngayon.

Wala naman siyang injuries. In fact, kahit maliit na sugat ay wala akong nakita sa kanya. Ganoon din kay Marty. Pero hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagigising.

Abala na si Marty sa panonood sa computer. Sinubukan ko siyang tanungin kung anong nangyari sa loob ng bahay ni Mr. Harold, pero ano namang isasagot niya sa akin? Bata lang siya.

Kanina, nadatnan ko sila sa kusina ni Mr. Harold. Iyak nang iyak si Marty, samantalang nakahandusay naman sa sahig si Murphy. Yakap niya ang itim at kakaibang notebook. Sinubukan kong basahin kung anong nilalaman noon, pero hindi ko naman maintindihan.

May nakita akong cctv camera sa kusina ni Mr. Harold. Baka na-record nu'n ang mga nangyari. Hindi ko na na-check pa kasi masyado akong naging abala sa pagbuhat kay Murphy at Marty pabalik sa bahay nila.

Hihintayin ko na lang sigurong magising si Murphy.

AnathemaWhere stories live. Discover now