April 20, 2019

447 35 3
                                    

Hindi ako nakatulog nang maayos kagabi.

Hindi ko alam kung anong ginagawa ni Mr. Nutjob sa loob ng bahay niya, pero napakaingay. Parang nire-renovate niyang mag-isa 'yung kwarto niya, which is katapat lang ng kwarto ko. Kahit sinarado ko na 'yung bintana ko, rinig na rinig ko pa rin 'yung mga kalabog.

Minabuti ko na lang na maglaro ng computer games. The noises stopped around 3 am, at doon lang ako nakakuha ng tulog.

Kinaumagahan, tinanong ko si Mama tungkol sa mga ingay na nililikha ni Mr. Nutjob. Pero masyado raw siyang pagod sa trabaho kaya naging mahimbing ang tulog niya. Strange. Halos mag-vibrate na 'yung dingding ko dahil sa sobrang lakas ng ingay.

Pag-alis ni Mama at pagkatapos kong paliguan si Marty, maghapon akong nakatulog.

AnathemaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon