April 23, 2019

393 33 4
                                    

I was not able to sleep last night. Not even a wink.

It's 6 am right now, as I write this. I'll probably be able to catch some sleep after this.

Last night, Mr. Nutjob was making noises again.

Parang ibinabato niya lahat ng mga gamit niya sa kusina. Rinig na rinig ko 'yung kalampag ng mga kawali, pagkabasag ng mga baso at plato, pati 'yung mga iba pang bagay na inihahampas niya sa dingding.

I can't help but picture him naked while he was thrashing his house. My encounter with him earlier in the day will forever be etched in my mind. That was the first time I saw a naked man. The sight made my skin crawl. Not to mention his sinister, unnerving smile and his eyes that followed me while I enter our house. You cannot just easily erase that from your memory.

Trust me, it was scarier than dismembered body parts and splattered blood.

Anyway, since alam ko na hindi ako makakatulog sa lakas ng ingay at kalabog na naririnig ko, bumangon na lang ako at lumabas ng kwarto. Pagbaba ko, nadatnan ko si Mama sa kusina. She had both of her hands on the sink's rim, supporting her upper body as she looked out the window.

"Naririnig mo rin?"

She jumped at the sound of my voice. Nakapatay ang lahat ng ilaw sa kusina, ang tanging liwanag ay nanggagaling sa poste sa labas. She turned towards me, her sleepy eyes evident in the dim light.

"You scared me, Murph!" bulalas niya. "Bakit gising ka pa?"

I ignored her question and asked mine again. "Naririnig mo rin?"

She sighed, turning around to look outside the window again.

"Ano kayang nangyayari kay Mr. Harold?" she muttered to herself.

Okay, so nalaman ko na Mr. Harold pala ang tunay na pangalan ni Mr. Nutjob. He's been our neighbor for many years now but I only just found out about his name. I don't even have a nickname for him until Dodge made one.

Patuloy pa rin ang mga ingay na nanggagaling sa kabilang bahay. Sinabihan ko si Mama na tumawag na ng pulis dahil nakakaistorbo na ang kapit-bahay namin, pero tumanggi siya. Baka raw naglilinis lang si Mr. Harold.

Natawa naman ako doon. Anong klaseng tao ang maglilinis ng bahay sa kalagitnaan ng gabi, tapos mag-iingay nang sobra?

Ipinaalam ko ang katwiran ko kay Mama, pero binalewala niya lang ako.

"Just go to your room," she said. "Play some loud music to help you sleep. I'm not calling the police just because of this."

Wala na akong nagawa kundi ang bumalik sa kwarto ko. Sabagay, naiintindihan ko naman si Mama. Sa perspective niya, unang beses pa lang nangyari ang insidenteng ito dahil tulog na tulog siya noong may ganito ring nangyari noon.

Handa naman akong ipagsawalang-bahala na lang ito, dahil pakiramdam ko ay may problema sa pag-iisip si Mr. Harold. Pero lintek, napakaingay talaga. Balak ko pa naman sanang gumala ngayong araw dahil day off ni Mama. Pero dahil wala akong tulog, mapupurnada nanaman ang plano ko.

Alas singko ng madaling araw kanina, tumigil na rin ang pag-iingay ni Mr. Harold. Siguro napagod na rin siya. I can only imagine kung ano na ang itsura sa loob ng bahay niya ngayon.

Anyway, wala na akong ibang isusulat. Matutulog na lang ako.

Ciao.

AnathemaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon