May 14, 2019

289 26 6
                                    

It's 3:29 AM.

An hour ago, I witnessed something terrible.

My hands are still shaking because of what I saw, so please bear with me.

Nagsusulat ako sa diary nang makarinig ako ng malakas na ingay sa labas. Akala ko nagwawala ulit si Mr. Harold sa loob ng bahay niya. Sa sobrang inis ko, kaagad akong tumayo at nanakbo pababa.

Pangatlong gabi na 'to. This can't go on any further.

Pumunta ako sa kusina kung nasaan 'yung telephone namin. I was ready to dial the police's phone number when I heard shouts outside.

Sumilip ako sa bintana. Nakita ko si Hannah kasama ang mga magulang niya sa tapat ng bahay nila. Galit na galit ang Dad niya habang sinisigawan si Mr. Harold.

Paikot-ikot na nananakbo ang matanda, humahalakhak at tila wala sa sarili. Pero ang tiyak kong ikinakagalit ng Dad ni Hannah ngayon ay ang kawalan ng saplot ni Mr. Harold.

"Pumasok ka sa bahay ninyo!" galit na sigaw ni Mr. Carlos habang pilit siyang hinihila paatras ng kanyang asawa. "Nakakadiri ka! May mga babae dito!"

Hannah was standing behind her Mom, looking terrified. Iyon ang unang beses na nakita ko siya na hindi alam ang gagawin.

Patuloy lang sa pagtakbo si Mr. Harold. Tila inaasar pa ang galit na galit nang si Mr. Jeric. Hindi ako makapag-decide kung lalabas ba ako at susubukan na pigilan ang gulong magaganap.

Fuck. Kung kailan wala si Mama, tsaka pa nangyari 'to. She's currently staying at her office and won't be home until Friday evening.

"Hindi ka ba talaga papasok?!" Malakas na ang boses ni Mr. Carlos. I'm sure na gising na rin 'yung mga kapitbahay namin. Pulang-pula na ang mukha niya dahil sa galit. Gods, he was scary.

Nagawa niyang kumalas sa mahigpit na hawak ng kanyang asawa, at walang anu-ano'y sinugod niya ang nananakbo pa ring si Mr. Harold. Hannah and his wife shouted at him to stop, but he didn't listen. Malakas niya itong itinulak, dahilan upang mapaupo ito sa sahig.

"Hindi mo ba ko naririnig?" he screamed. " Ang sabi ko, magbihis ka!"

Mr. Harold answered him with a laugh. Then he did something so fast that my eyes were not able to follow it.

Suddenly, Mr. Carlos was lying on his back, the mad man on top of him. I held my breath, anxiously waiting for the next moments to arrive.

And, man, it was brutal.

Bago pa makakilos si Mr. Carlos, bigla na lamang siyang kinagat ni Mr. Harold sa kanang balikat. The scream of pain that he produced was bone-chilling.

I didn't waste any more time. Tumakbo kaagad ako palabas ng bahay namin. Hannah and her mom were already trying to pull Mr. Harold off, but their efforts were unsuccessful. Itinulak ko sila palayo nang makalapit ako.

My body reacted before my brain did. Using all of my strength, I kicked Mr. Harold at the back of his head. His grip on Mr. Carlos slackened almost immediately, and he sprawled unconscious to the ground.

Tinulungan ko si Mr. Carlos na tumayo. Sumisirit ang dugo mula sa balikat niya. Basang-basa na rin 'yung suot niyang tshirt dahil dito. Nilapitan kaagad siya ng kanyang mag-ina.

Lumabas na sa mga tahanan nila ang iba naming mga kapit bahay. One of them already had his phone out to call an ambulance. After a few minutes, the paramedic arrived.

The next moments passed by in a blur.

They immediately performed first-aid to the shaking Mr. Carlos, while two of them hauled the unconscious mad man to a stretcher.

Sumama ang asawa ni Mr. Carlos sa ospital. Kailangan raw kasi na matingnan ng doktor ang sugat niya. Nang makaalis ang ambulansya, tahimik na naupo si Hannah sa tapat ng bahay nila. Tumabi ako sa kanya.

"What the hell just happened?" ang tanging nasabi niya sa akin.

Niyaya ko siya na magpalipas ng gabi sa bahay, at kaagad naman siyang pumayag. Natutulog na siya ngayon sa kama ko. I promised that I'll wake her up once na tumawag 'yung Mom niya.

Fuck. Mukhang tuluyan nang nabaliw si Mr. Harold. 

AnathemaWhere stories live. Discover now