May 23, 2019 (pt 3)

231 20 5
                                    

May 23, 2019, 11:54 PM

It's almost midnight. Pero nasa labas pa rin ako.

Gusto sanang sumama ni Hannah para maghanap, pero sinabihan ko siya na manatili na lang sa bahay. Mas makakakilos ako nang maayos kung wala akong kasama. Isa pa, mas gusto kong mapag-isa ngayon. Pakiramdam ko ay lalamunin na ko ng matinding lungkot at pagsisisi.

Wala akong dala kundi isang baseball bat at ang diary na 'to. I'm planning to write everything that I will see, just to give whoever will read this in the future a further look on what's happening right now.

Hindi madilim sa paligid. Strangely, gumagana pa rin ang mga street lamps. I suppose that's a good sign. It might mean na hindi pa rin kami tuluyang pinababayaan ng gobyerno.

Sobrang tahimik. Nakakapanibago. On a typical night, may mga nakatambay pa rin sa labas ng ganitong oras. But now, our subdivision feels like a ghost town. Kahit mga undead, wala akong nakikita.

Hindi ko alam kung saan ako nagkulang. Since the apocalypse started, I never prioritize everything but my brother's safety. Iyon ang goal ko, ang masigurong makakaligtas siya sa mga nangyayari ngayon. Pero mukhang ako pa ata ang magiging dahilan ng ikapapahamak niya.

Naguguluhan pa rin ako. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Panaginip lang ba ang nangyari? O talagang ibinigay ko si Marty kay Mr. Harold? Seriously, what has gotten into me?

Nababaliw na nga yata talaga ako. It's the only explanation. That, or Mr. Harold is somewhat using some voodoo shit on me, that's why this is happening. After all, bago magsimula ang apocalypse ay nagkakaroon na ako ng mga nightmares tungkol sa kanya.

That's impossible, though. Voodoo ain't real.

Well, until a few days ago, I thought that zombies aren't real, either.

Baka bukas, extra-terrestrial beings naman ang maghasik ng lagim sa mundo.

A week ago, I never would have imagined that this would happen. This summer started like all of my past summers: typical and uneventful. Hindi ko in-expect na may mangyayaring zombie apocalypse at the end.

Nakaupo ngayon ako sa isang bench, just a few streets away from our house. The cold night air is biting at my skin. I don't mind, though. It keeps me alert.

Hindi ako uuwi hangga't hindi ko nahahanap ang kapatid ko. Kung kinakailangan na pasukin ko lahat ng bahay sa subdivision na ito, gagawin ko. I won't let anything bad happen to him. Mas mabuti nang ako ang mapahamak, kaysa siya. Huwag lang siya.

Hanggang dito na lang muna. Lumalalim na ang gabi. Kailangan ko nang kumilos.

AnathemaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon