April 21, 2019

446 39 8
                                    

I can't believe it. Mukhang sinusuwerte ako ngayong summer vacation.

Around 4pm today, napagtripan ko na tumambay sa front porch namin. Nakaupo lang ako sa hammock habang naglalaro ng games sa cellphone ko nang bigla kong makita si Hannah na nakatambay rin sa front porch nila. She had her nose buried in a thick book.

At the same moment na napatingin ako sa kanya, napatingin rin siya sa akin. Biglang bumilis 'yung tibok ng puso ko at hindi ako nakapag-react kaagad. Man, siguradong nagmukha akong tanga sa harapan niya.

Nakita ko na lang siya bigla na tumayo at naglakad papalapit sa akin. Hindi ako mapakali nu'ng mga oras na iyon. Feeling ko dumalo ako sa marathon dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. Nakakabakla, shit.

"Share tayo?" nakangiting tanong niya sa akin.

Ang tanging tumatakbo lang sa isip ko nu'n ay: Shit. Nasa harapan ko na 'yung crush ko. 

Hindi kaagad ako nakapagsalita. Hindi naman na niya hinintay pa 'yung sagot ko dahil kaagad na siyang naupo sa hammock, katabi ko.

Katabi ko.

Shit.

Hanggang ngayon, kinikilig pa rin ako. Naaalala ko 'yung pakiramdam na magkadikit 'yung balat ng mga braso namin, 'yung amoy niya na napakabango, at 'yung mala-anghel na boses niya.

God, Hannah, you're one-of-a-kind.

Hindi masyadong mahaba 'yung naging pag-uusap namin kanina. Tungkol lang sa ingay na nililikha ni Mr. Nutjob noong isang gabi. Imagine, umabot across the street, sa bahay nila Hannah 'yung ingay. Hindi raw sila nakatulog ng Mommy niya dahil doon.

Mukha ngang pagod talaga si Mama sa trabaho kaya hindi niya narinig 'yung mga ingay. Akala ko nababaliw na ko, eh.

Habang nag-uusap kami ni Hannah, lumabas si Marty ng bahay para pabuksan sa akin 'yung garapon ng wafer sticks na paborito niya. With his chubby cheeks and curly hair, siguradong lahat ng tao na makakakita sa kanya will find him adorable.

Isa na doon si Hannah. She can't get enough of my little brother. Panay ang pisil niya sa mga pisngi nito. It made me happier, seeing her interacting with Marty. Pakiramdam ko, pwedeng-pwede siya na maging parte ng pamilya namin.

She can be a close friend, dahil alam kong malayo ang chance na maging kami. Aminado naman ako sa pagiging torpe ko.

Siguro, kung hindi kami iniwan ni Papa para sa ibang babae, mas na-build up ko 'yung confidence ko around girls. May father figure sana na nag-guide sa akin tungkol sa mga bagay na ito.

Kaso, wala. Hindi ko kilala 'yung mga relatives ko sa side ni Papa. Kina Mama naman, puro babae silang magkakapatid. Hindi ko rin nakilala ang lolo ko dahil bata pa lang ako ay namatay na ito.

Enough with the drama. Ewan ko ba kung bakit medyo nagiging madali na sa akin na isulat ang mga personal details ng buhay ko. Siguro confident ako na walang magbabasa ng diary na ito? I mean, ano namang magiging pakielam ni Mrs. Reyes sa whims and thoughts ng isang 16-year-old na lalaki? I'm pretty sure na kahit isang page sa diary na ito ay hindi niya babasahin.

Anyway, I'm feeling awesome right now, and absolutely nothing can spoil that.

Hannah, ang ganda mo talaga. I really, really, really like you.

Maybe someday, I'll get to write our love story.

AnathemaWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu