May 24, 2019

230 21 3
                                    

May 24, 2019, 6:25 AM

I think I know where my brother is. And I'm going there right now.

Gusto ko lang munang magsulat dito sa diary, just in case na hindi na ako makabalik. This will serve as proof kung saan ako pumunta, at kung saan ninyo matatagpuan ang katawan ko kung sakali.

Ang tanga-tanga ko. Bakit ba hindi ko ito naisip kagabi?

Sa panaginip ko, ibinigay ko si Marty kay Mr. Harold. Saan pa nga ba dadalhin ng matanda ang kapatid ko? Walang iba kundi sa sarili niyang bahay.

Alas sais na ng umaga nang bumalik ako sa bahay namin. Gising na si Hannah, at kaagad niya akong niyaya na kumain ng agahan. Hindi niya ako tinanong kung nahanap ko ba si Marty o hindi, dahil alam na niya ang sagot base sa facial expression ko.

Habang kumakain, nakatitig lang ako sa labas ng bintana, kung saan kitang-kita ko ang bahay ni Mr. Harold. Akala ko noong una guni-guni ko lang. Pero nang makita ko ulit ng pangalawang beses, sigurado na ako.

May naglalakad sa loob ng bahay ni Mr. Harold.

In that moment, napagtanto ko na doon marahil dinala ng matanda ang kapatid ko. Where else would he hide him?

That's why I'm going there right now. At kapag nalaman ko na may ginawa siyang masama sa kapatid ko, I will kill him.

Wish me luck.

AnathemaWhere stories live. Discover now