May 26, 2019 (cont)

243 23 2
                                    

May 26, 2019, 3:13 AM

Hindi ako nakapunta sa bahay ni Mr. Harold.

Bago ako umalis, siniguro ko muna na nasa ligtas na lugar si Marty. Ayokong mapahamak siya habang wala ako dito. Hindi ko naman siya pwedeng dalhin dahil baka kung ano ang mangyari sa kanya. Inilagay ko muna siya sa kwarto na tinutulugan ko, at ni-lock ko ang pinto. Siguro naman ay hindi maiisipan ni Asmodeus na pumasok. Mas gusto niya namang magkulong sa kwarto niya, anyway.

Hindi pa rin ako sanay na tawagin si Murphy bilang Asmodeus. I don't think I'll ever get used to it. Mukha pa rin ng kaibigan ko ang nakikita ko, kahit alam ko na hindi na talaga si Murphy iyon. Still, hindi ako mawawalan ng pag-asa na maibabalik ko ang kaibigan ko.

Pagbaba ko sa unang palapag ng bahay, nadatnan ko si Murphy na nakaupo sa couch at parang hinihintay ako.

No, hindi pala siya si Murphy. Si Asmodeus.

Binigyan niya ako ng malapad na ngiti nang tuluyan akong makababa sa hagdan.

"Saan ka pupunta?" tanong niya. It was so strange, hearing my friend's voice but knowing that it wasn't him who I'm currently speaking with.

Pinilit ko na hindi magpakita ng kahit anong emosyon.

"Maglalakad-lakad lang ako sa labas," sagot ko. "Maghahanap ng makakain."

Tumawa siya. "Napakaaga mo naman. Hindi pa nga sumisikat ang araw."

I shrugged. "Gusto ko maaga ako, eh."

Hindi siya nagsalita ng ilang segundo. And then, faster than any human could ever move, bigla na lang siyang tumayo at hinawakan ako sa leeg.

"Anong akala mo sa akin, tanga?" he whispered, his face eerily close to mine.

His fingernails dug into the skin of my neck. I wasn't able to prevent the sound of pain escaping my throat.

"Ang ayoko sa lahat, ay mga taong nagsisinungaling sa akin," wika ni Asmodeus. Mas lalo pa niyang idiniin ang hawak niya sa leeg ko. "Gusto mo bang mamatay, Hannah?"

A tear escaped from my left eye. Nang makita ito ni Asmodeus, bigla na lamang naglaho ang ngiti sa mga labi niya. Dahan-dahan niyang binitiwan ang leeg ko, at balisa siyang tumingin sa akin.

"H-Hannah?"

Relief flooded my entire body. Si Murphy na ang kaharap ko ngayon.

"I-I'm sorry, Hannah. Hindi ko sinasadya.."

"Okay lang," sabi ko sa kanya. Pinipigilan ko ang tuluyang pagtulo ng aking mga luha. "Okay lang, Murphy."

I reached out to touch him, but he flinched away from my hand.

"No," he said firmly. "Huwag mo kong lalapitan. Mapapahamak ka lang sa akin."

Gusto kong sabihin na may tiwala ako sa kanya. Na alam kong hindi niya ako sasaktan, dahil siya si Murphy, ang kaibigan ko. Pero bigla na lang nanigas ang buong katawan niya.

"Murphy?" I breathed. "O-okay ka lang ba?"

Hahawakan ko sana siya pero lumayo siya sa akin. He gripped his head using both of his hands, as if he was trying to claw something out of it. Then, with one last look at me, he suddenly bolted upstairs.

I ran to follow him while shouting his name, but he was already inside his room, the door locked.

Hindi ko siya pwedeng pabayaan. He is still fighting for control, and I should fight with him.

Gagawin ko ang lahat para matulungan siya.

AnathemaDove le storie prendono vita. Scoprilo ora