May 22, 2019

243 19 8
                                    

May 22, 2019

I managed to get one week's worth of food supplies and toiletries. Umaasa ako na bago maubos ang mga ito, may mga sundalo nang darating para iligtas kami.

Wala na kaming nakita pang survivors bukod sa amin. It seems that we're the only ones left alive in this subdivision. We tried our luck with our mobile phones again, pero wala pa ring signal. Mabuti na lamang at hindi nila tinatanggal ang electricity at water supply namin.

Wala kaming ginawa maghapon kundi ang tumanghod sa bintana. Ano pa bang iba naming gagawin? Hindi kami nagbubukas ng tv sa takot na baka maka-attract ng undead ang ingay nito.

Earlier, Marty threw a tantrum. Gusto niyang lumabas kami at puntahan si Mama, pero hindi pwede. Naaawa na ko sa kapatid ko. Hindi niya deserve na maranasan ang ganito. Pinanood ko na lang siya sa computer ko ng mga movies. With earphones, of course.

Si Hannah naman, nilibang na lang ang sarili sa pagbabasa ng libro na nahanap niya sa kwarto ko. Want to know what the book is about? Zombies.

So far, walang napapadpad na undead dito sa lugar namin. Siguro dahil dulong parte ito ng subdivision. At base sa mga zombie movies na napanood ko, attracted ang mga undead sa malalakas na ingay. So as long as we stay quiet, we will be fine.

Hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa na may darating upang iligtas kami rito. Baka nga right at this moment, nagpaplano na sila kung paano kami ire-retrieve. I just hope na dumating sila kaagad, dahil hindi ko na gusto ang manatili pa kami rito.

Kumusta na kaya si Mama? Siguro sobrang nag-aalala na iyon. Sana gumagawa siya ng paraan para mailabas kami rito. Something that won't put her in grave danger.

Siguro pinag-uusapan na ng buong Pilipinas ang nangyayari ngayon. Imposibleng hindi ito lumabas sa social media platforms. Malaki ang subdivision namin at marami ang magtataka kung bigla na lang itong isasara ng basta-basta.

Writing in this diary might be the only thing that's keeping me sane right now. There's something comforting about jutting down what's happening, as if everything is just all in my head and I'll soon wake up from a very bad dream.

How funny that would be, if this turned out to be just that. A dream.

Sana nga, nananaginip lang ako.

Sana nga.

AnathemaWhere stories live. Discover now