Null

284 19 0
                                    

Limang minuto pa lang ang lumilipas simula nang magkamalay ako.

Nasa loob ako ngayon ng kwarto ni Murphy. Nakahiga siya sa kama ngayon, hindi gumagalaw at nakapikit ang mga mata. Malayong-malayo sa nakita kong anyo niya.

Hindi ko alam kung ilang oras ako nawalan ng malay. Tumigil na ang ulan, pero madilim pa rin sa labas. Wala akong ideya kung anong oras o araw na.

Masakit ang mga sugat ko sa leeg. Namamaga na ang mga ito at nahihirapan na akong lumunok. Hindi rin ako makatayo dahil nabali ang buto sa kaliwang binti ko. Dahil siguro ito sa pagkahulog ko sa hagdan.

Hindi ko alam kung nasaan si Marty. Pero sana ay ligtas siya. I'm not sure if he was with me when I fell down the stairs. I honestly can't remember anymore.

Isusulat ko dito ang mga nangyari bago ako nawalan ng malay. Hindi ko sigurado kung mailalagay ko lahat, dahil masakit pa rin ang ulo ko. Pero gagawin ko ang lahat.

Kailangan may makaalam kung anong nangyari.

AnathemaWhere stories live. Discover now