May 21, 2019

252 21 2
                                    

May 21, 2019

Halos buong gabi umiyak si Hannah. Hindi ko man iyon nasaksihan, naririnig ko ang mahihina niyang hikbi at malalalim na paghinga habang nakatalukbong siya ng kumot. Hindi rin ako nakatulog nang maayos, lalo na't alam kong mabigat ang nararamdaman niya. Gusto ko siyang yakapin. Gusto kong sabihin na magiging okay rin ang lahat. But I can't give her any false hopes. From what I've noticed this past few hours, nothing has been going right.

It gets worse, minute by minute.

Sa bawat minutong lumilipas na hindi kami nare-rescue, unti-unting nawawala ang pag-asa sa isip ko. Paano nga kung tama ang kutob ko, na hinihintay na lang nila na ma-infect kaming lahat bago sila gumawa ng aksyon? This is the first time that it happened, so it won't be a surprise if they have no idea what to do.

Hindi na rin ako sigurado kung na-contain nga nila nang maayos ang nangyayari sa loob ng subdivision. As far as I know, hindi pa nakakabalik si Mr. Nutjob simula nang mangyari ang insidente kasama ang ama ni Hannah. Who knows? Baka naikalat niya na rin ang virus sa iba pang parte ng siyudad.

Still, I can't afford to lose hope. Whatever little I have left, I have to make use of it. I will prioritize the safety of my brother and Hannah over myself. I need them to survive. Someone has to survive this. Ito lang ang tanging paraan para malaman ng buong Pilipinas kung ano ang nangyayari dito sa loob ng subdivision.

I just hope that someone will get to read this someday, kung hindi man ako makaligtas sa mga nangyayari ngayon. My Mom is still out there, and I hope that wherever she is, she is safe and far away from all of these.

Sana pala mas maaga na lang kaming pumunta sa Pangasinan. Hindi sana namin nararanasan ang lahat ng ito.

Fuck, nakakaiyak.

When I wished for a more interesting summer, it never once occured to me that this would happen. Mas gugustuhin ko pa na mamatay sa boredom kaysa sa kamay ng mga undead.

I don't want to be like them. Ever.

AnathemaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon