May 25, 2019 (pt 3)

229 22 3
                                    

May 25, 2019, 3:12 PM

I'm still shaken with what happened earlier. For some reasons, mas nakakatakot pa iyon sa current apocalypse na nangyayari ngayon.

I'm not an idiot. Alam ko na si Mr. Harold ang nagdala ng virus dito. Kinagat niya si Dad, transferring whatever virus to him. And then Dad bit my Mom, and the rest was history. Hindi ko alam kung ano ang pinagmulan ng virus na iyon, pero it was the same with the horror movies that I had watched. The one who got bitten will die, and then he will get reanimated into a living corpse, whose only instinct is to eat another human being.

Mukhang imposible, but it's happening, right at this very moment.

Hindi ko alam kung hanggang saan na umabot ang virus, o kung nagtagumpay ba ang gobyerno sa pag-contain nito sa loob ng subdivision. I hope it's the latter. Kung makakaligtas man ako dito, gusto ko pa rin na bumalik sa normal na pamumuhay.

I'm in front of my laptop right now. Kinuha ko ito sa bahay kanina, para panoorin ang footage mula sa cctv sa kusina ni Mr. Harold. Hindi ko alam kung may makikita ba ko dito, kung worth it ba 'yung naranasan ko doon just to retrieve this memory card. But I have to do something. I need to find a way to fix Murphy.

Wala akong ideya kung paano nakabalik dito si Mr. Harold, since ang huling balita ko ay nakakulong na siya sa mental hospital. Pero alam ko na siya ang dahilan kung bakit nagkakaganito ang kaibigan ko. He wasn't bitten, with that I am sure. As soon as I dragged his body from the old man's house, tiningnan ko kaagad kung may mga sugat siya. But I found none.

But he is acting really strange. Hindi na siya 'yung Murphy na nakilala ko.

Nakalagay na 'yung memory card sa laptop. With a click of a button, maipapakita sa akin kung anong nangyari kay Murphy doon.

Huminga ako nang malalim.

Time to watch the shit out of this.

AnathemaOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz