Chapter 33

36 2 0
                                    

Warning: Medyo SPG hihi

__________________________________

Acielle Zein Madrigal Point of View

"Z-Zaustin??" gulat na gulat na tanong ko

Nakita ko ang lihim na pag ngiti niya. "It's Thunder, not Zaustin" aniya

Napaawang ang mga labi ko. "T-Thunder??" lalo akong nagulat. Anong ginagawa niya dito?

"Yeah, it's Thunder" aniya

"Anong ginagawa mo dito??" tanong ko

"Nothing" agarang sabi niya

Agad akong napatayo, at napatingin sa may veranda ni Zaustin pero walang tao doon. Napabuntong hininga ako at akmang maglalakad palayo ng bigla akong tinawag ni Thunder.

"Forget about him" seryosong sabi niya

Forget???

Bakit ko naman kakalimutan si Zaustin

Agad akong napalingon sa kaniya, ngayon ko lang napansin na naka black sweater siya at gray pants. "Bakit ko naman kakalimutan si Zaustin-"

"Bakit hindi mo magawa? Iniwan ka na nung tao Acielle-"

"Ano naman sayo kung iniwan ako. Wala ka ng paki alam dahil desisyon ko kung kakalimutan ko siya o hindi!" sigaw ko sabay talikod sa kaniya

"Sinasabi ko lang naman ang mas nakakabuti sayo, Acielle" aniya na nakasunod pa din sakin

Ang kapal niya talaga kahit kelan. Hindi ko nalang siya kinibo at binilisan pa ang paglalakad ko.

"Wait up honey, I was just saying na hindi kayo nababagay ni Zaustin, alam kong totoo yung sinabi ni Vanessa sayo na ikinama siya ni Zaustin-"

Inis na inis na talaga ako. "Bakit ka ba nangingialam huh! At pano mo nasasabi sakin yang mga wala mong kwentang salita. At ano.... hindi kami nababagay ni Zaustin, sino ka ba para sabihin yan sakin, at kung totoo man na ikinama niya si Vanessa, pwes wala akong paki alam!" sigaw ko sa kaniya at maglalakad ulit ng bigla niyang hinigit ang braso ko.

"ANO BA!!" sigaw ko at sinubukang tanggalin sa pagkakahawak ang mga braso ko pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya doon

"HINDI KAYO BAGAY NI ZAUSTIN. AKO ANG BAGAY SAYO! NAIINTINDIHAN MO! ALAM MO GUSTONG GUSTO KITANG HALIKAN NGAYON KASO NAGPIPIGIL LANG AKO. TANG INA ACIELLE, GUSTO KITA MATAGAL NA! ANO PA BANG PWEDE KUNG GAWIN PARA MAGUSTUHAN MO DIN AKO!!" malakas niyang sigaw sakin

Nanlamig ang buong katawan sa sinabi niya. Matagal... matagal niya na akong gusto?? Paano? Eh kakakilala ko palang niya nung ilang araw. Hindi ko maintindihan?

Hinawakan ko ang kamay niya na nakahawak sa isang braso ko at tinatanggal ito, pero ayaw niya talagang bitiwan. "Let go of me, Thunder" pagmamakaawa ko

Pero hinila niya lang ako papunta kung saan. "Saan mo ako dadalhin, please gusto ko ng umuwi" sabi ko pa pero patuloy pa din siya sa paghila sakin. Wala akong makitang ilaw sa daang tinatahak namin

Agad akong nilamon ng takot. Sinubukan kung makawala pero ayaw niya talagang bitiwan ang braso ko. "Ano ba Thunder" malakas na sigaw ko

Pero hindi siya nagsalita, sa inis ko at nagpumiglas ako at sinapa sipa siya pero agad din siyang umiiwas-

"Fuck! Tumigil ka!!" sigaw din siya sabay suntok ng tiyan ko

Namilipit ako sa sakit at unti unting napaupo sa mga dahon. Hindi ko alam kung saan talaga kami. Naramdaman kong binuhat niya na ako at nagsimulang maglakad kung saan. Ano bang balak sakin ni Thunder-

I Love You (Completed)Where stories live. Discover now