Chapter 19

36 3 1
                                    

Acielle Zien Madrigal Point of View

"AHH TANGINA YAN!!!" napatalon ako sa malakas na sigaw ni Charity

Tumawa ako ng malakas at tinampal ang braso niya "HAHAHA! Manahimik na nga Cha! Baka marinig tayo nina mommy haha!" sabi ko sabay tawa ulit

Nanonood kasi kami ngayon ng horror movie, hindi naman sya masyadong horror samin pero nakakatakot haha. Ang title ay GREEN INFERNO.

"Jusko! Sana all kulay red ang katawan" sabi ni Charity

Natawa naman ako "Ewan ko sayo" sabi ko.

*knock* *knock* *knock*

Sabay kaming napalingon ni Charity dahil may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.

"Ako na" sabi ko at tumayo sa pagkakahiga sa malambot kong kama

Agad kong binuksan ang pinto at nakita ko dun si kuya ace na naka itim na pajama at gray sando.

Nakataas ang isang kilay niya "Hindi kayo tatahimik?" seryosong sabi niya

Napalunok ako, masyado ba kaming maingay? "Uhm- ano kasi kuya. Uhm-"

"Manahimik nga kayo!" aniya sabay naglakad papunta sa kwarto niya at padabog na sinara ito.

Napamaang ako "Sungit" bulong ko sabay pasok ulit sa kwarto ko

Nakita kong nakapatay na ang T.V at nakahiga na si charity sa kama at nakakumot pa. Napatingin ako sa wall clock. Alas dose na pala ng gabi. Jusko!

"Tulog na tayo" ani charity

Tumango nalang ako. At pinatay na ang ilaw at sinarado ang pinto ng veranda. Pagkatapos ay nahiga na din sa kama.

Napangiti ako ng yakapin agad ako ni Charity "Kayo na ba ni Zaustin?" tanong niya

Mahina akong natawa "Haha! Hindi pa" sabi ko agad

"Asus! Bakit ka tumatawa. Kayo na noh?"

"Hindi pa nga. Hindi pa nga nanliligaw eh" giit ko pa

"Eh! Bakit parati mong sinasama kong saan tayo mag punta?" tanong niya ulit

"Ewan ko" ani ko

"Asus!" tukso niya pa

Natawa ulit ako "Matulog na nga tayo" sabi ko at niyakap din siya

"Okie dokie" aniya

Pinikit ko na ang mga mata ko at natulog na

*KINABUKASAN*

"GOOD MORNING WORLD!!!" napabalikwas ako ng bangon dahil sa malakas na sigaw.

Shit naman oh

Napalinga linga ako sa paligid. Nakita ko si Charity na nakaupo sa labas ng veranda ko. Sumigaw na naman siguro toh!

Nag inat inat nalang ako ng katawan at bumangon na din. Pumunta ako sa gawi niya at umupo din.

"Tumawag kanina si mommy ang sabi wala na daw dun si Danity basta umuwi lang ako. Pero ayokong umuwi" biglang sabi ni charity

Napatingin naman ako sa kanya. Tulala lang siya ngayon at nasa malayo ang tingin "Kelan kayo mag kakaayos. Ang tagal na niyan ah" sabat ko

Napabuntong hininga siya "Hindi ko alam. Napapagod na din ako eh. Pero kahit anong pagod ko ang sakit parin" aniya

Niyakap ko siya "Wag ka na ngang mag drama muna diyan. Ang aga aga eh" sabi ko

I Love You (Completed)Where stories live. Discover now