Chapter 38

40 3 0
                                    

Acielle Zein Madrigal Point of View

Nang makarating kami sa Airport ay doon ko palang binigay kay Zaustin ang cellphone niya. In fairness, ako ang laman ng gallery niya. Hihi! Nedelete ko na din ang text nila ni Vanessa sa messenger, naiirita ako tuwing makikita ko yun eh-

"Hoy! Labas na" napatingin ako kay Charity na ngayon ay nakataas ang kilay na nakatangin sakin. Bumaling naman ako sa katabi ko pero walang Zaustin ang nakita ko doon.

Iniwan ako nang mokong. Nakanguso akong lumabas ng Van at pumunta sa gawi nina mommy. Nasa labas na din ang mga bagahe namin. Nilibot ko ang tingin ko at nahagip ko si Zaustin na busy sa cellphone niya.

Na naman? Humanda ka talaga sakin Zaustin!

"Let's go!" anyaya ni mommy

Kinuha ko na ang dalawa kong maleta at mag isang naglakad kasunod nila.

"Shit naman oh" reklamo ko dahil tumataas ang suot kong summer dress dahil sa hangin.

Patuloy lang ako sa pagbaba ng medyo maiksi kong summer dress-

"Bakit naman kasi sumuot ka pa niyan?"

Agad akong napalingon sa nagsabi nun. Tinaasan ko nang kilay si Zaustin na ngayon ay nakangiwi. Tsk!

"Anong pake mo! Eh gusto ko neto eh!" inis na sabi ko

Narinig kong napa tsk siya. "Okay sabi mo eh" aniya at naunang maglakad sakin.

Hindi ako nakapagsalita, hindi ko alam bakit nasaktan ako sa naging trato niya sakin nun. Napalunok nalang ako.

Ako dapat yung galit eh! Bakit siya?!

Malalim akong napabuntong hininga at nagtuloy tuloy lang sa paglalakad.....

**

"May pina reserved na akong ticket. Uhm- ilan nga yun. 10 ata na tickets" ani mommy

"Oh! Okay" dinig kong sabi ni Tita Zelise

Hindi ko nalang muna sila pinagtuonan ng pansin sa halip ay umupo nalang muna ako sa mga nakahilerang upuan doon. Kinuha ko ang cellphone ko at pumunta sa I.G ko.

Ang boring naman kasi. Isa pa, yung Zaustin na yun hindi na namamansin. Tsk!

"Cielle? Okay lang ba kayo ni Zaustin?" napalingon ako kay Charity na ngayon ay nakaupo na pala sa tabi ko

Sa halip na magsalita ay binalik ko nalang ang atensiyon ko sa cellphone ko. "I dunno" iyun nalang ang nasabi ko

"Pansin ko din kanina, palagi siyang busy sa cellphone niya" aniya

"Bahala siya" ani ko

"Baka naman may nililigawan siya" aniya ulit

Dahilan para mapatigil ako sa kaka scroll at napatingin kay Charity na ngayon ay kumakain pala ng ice cream.

Bumaling naman ako kay Zaustin na masayang kausap sina Kuya, maya maya pa ay napatingin naman siya sa cellphone at..... at napangiti.

Bakit ba.... Uhm- hays!!

Napasandal nalang ako sa kinauupuan ko at tahimik na pinagmasdan si Zaustin na nakangiting nakatangin sa cellphone niya. Sino kaya ang pinagkakaabalahan niya. At bakit kaya siya ngumingiti.

"Cielle?"

Hindi ako lumingon kay Charity, nanatili ang tingin ko kay Zaustin-

"Oy! Bakit ka umiiyak?!"

Agad akong napatingin sa kaniya. Umiiyak? Napahawak ako sa pisngi ko at... shit! Oo nga, ano ba naman toh!

Dali dali ko itong pinunasan at umayos ng upo. "Napuwing lang" sabi ko sabay ngiti

I Love You (Completed)Where stories live. Discover now