Chapter 50

66 3 1
                                    

Acielle Zein Madrigal Point of View

"Are you really pregnant?" pang ilang tanong na nun sakin ni Zaustin. Wala akong naisagot sa kaniya kundi irap. Tsk! Ipapaalala ko sa kaniya, wag na wag niyang magalit ang buntis dahil baka hindi niya makaya ang maging attitude ko. Ma attitude kasi kapag buntis eh hihi.

Umirap muna ako sa kawalan bago siya sinagot. "Oo nga" sabi ko sabay marihing hinaplos ang tiyan ko. Napangiti naman ako dahil hinawakan din ni Zaustin ang kamay ko at sabay naming hinimas himas iyun..

Hmmm....

"Shit! I really can't believe it, masyadong napaaga haha pero... it's okay, it's our first baby now" maramdaming sabi ni Zaustin

Humilig ako sa balikat niya at marihing napapikit. Nandito kami ngayon sa veranda ng kwarto ko. At ang sabi daw nina Mommy, uuwi na kami bukas, ayaw pa sana ni Lola kaso mas okay daw kung doon muna kami sa Manila

Niyaya na din siya ng iba ko pang Tita na sa Mansion nalang muna namin tumira, pero ayaw pumayag ni Lola. Ayaw niya talagang iwan ang mansion na ito. Sabagay napakaraming memories nilang dalawa dito ni Lolo eh.

"Magpapacheck-"

"Nagugutom ulit ako" putol ko sa sasabihin ni Zaustin

"Huh?" aniya

Ngumuso ako. "Im hungry" sabi ko ulit

"Uh- anong gusto mong kainin?" tanong niya

Napangiti ako at umayos ng upo. "Gusto ko hamburger tsaka fried chicken tapos-"

"What!? Hindi naman healthy yun baby eh" sabi niya

Dahilan para sumama ang mood ko. Sinamaan ko siya ng tingin. "Ayaw mo akong bilhan? Edi wag kay Calyx nalang ako magpapabili" banta ko sabay kuha sana ng cellphone ko para itext si Calyx nang biglang hablutin iyun ni Zaustin

Napalingon naman ako sa kaniya. "Fine" aniya at tumayo

"Give me back my phone" ani ko

"Nope, ibibigay ko lang toh pag dumating na ang order mo" aniya at kinuha din ang cellphone niya, para siguro mag order hihi..

"Dagdagan mo pa ng fries at pizza?!" sabi ko

"The heck-"

"Oh ano?! May angal ka?" pagsusuplada ko pa sa kaniya

Wala siyang nagawa kundi ngumuso habang nagcellphone. Ako naman si bruha ay pangiti ngiti nalang hihi.

Nag cracrave talaga ako sa ibat ibang klase ng pagkain... Grrr..

***

"Here you go!" malumbay na sabi sakin ni Zaustin nang dumating ang inorder niya.

Ako naman si bruha ay agad na hinablot kay Zaustin yung napakadaming dala niya. Napatigil ako sa pagsubo ng marinig ko ang malalim na pagbuntong hininga ni Zaustin. Nag-angat a ko ng tingin at doon ko nakita si Zaustin na nasa malayo ang paningin at nakatalikod sakin. Nakasandal ang dalawa niyang kamay sa may railings ng veranda.

Nag-pout ako at nilapag na muna sa lamesa ang kinakain kong burger. Tumayo na ako at naglakad papunta sa gawi ni Zaustin at niyakap siya sa likod. Naramdaman ko ding nabigla si Zaustin sa ginawa ko-

"Kumain ka na dun, baka nagugutom kana pati si baby" malamig na sabi niya

Hindi ko alam bakit biglang kumirot ang puso ko. Nasasaktan ako pag malamig ang ginagamit niyang tono sakin. Ako naman ang napa buntong hininga, kumalas ako sa pagkakayakap at siniksik ang sarili ko para mayakap si Zaustin sa unahan. Sumobsob pa ako lalo sa leeg niya.

I Love You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon