Chapter 34

49 2 0
                                    

Warning: Medyo SPG hihi

______________________________________

Acielle Zein Madrigal Point of View

Maaga akong nagising dahil gusto kong pumasok agad sa school. Hmm? Actually gusto kung maglibot libot muna kung saan saan, basta malapit lang sa University.

Bumangon na ako sa pagkakahiga ko at ininat inat ang katawan ko. Napatingin ako sa wall clock ko at hindi na ako nagulat kung anong oras palang. It's already 6:30 in the morning.

Tumayo na ako at agad na kinuha ang tuwalya ko at diretsong pumasok sa C.R.

**

Nang matapos akong maligo ay nagbihis na muna ako ng uniform ko, nagsuot din muna ako ng sweater ko at usually may tatak na namang STYLE sa likod. I don't care! Sinuot ko na din ang mahabang medyas ko at ang school shoes ko.

Inayos ko muna ang sarili ko, naglagay ako ng foundation light lang kasi maputi na naman ako at lipgloss. Sinuklay ko din ang mahaba kong buhok. Pagkatapos ng lahat lahat ay kinuha ko na ang cellphone ko at nilagay sa bag ko at lumabas ng kwarto.

Wala pang tao pagkalabas ko siguro tulog pa sila, naglakad nalang ako at pababa at doon ko naabutan si Manang na nagluluto, napatingin naman siya sakin at bahagyang nagulat.

"Manang paki sabi kina mommy nauna na po ako at tsaka po sa starbucks nalang po ako kakain" malumbay kong sabi

Napatango naman si manang. "Sige, mag ingat ka ha!?" paalala niya

Tango nalang ang naisagot ko at niyakap si manang at naglakad papunta sa sala namin at binuksan ang drawer at kinuha ng susi ng kotse ko

Naglakad na ulit ako palabas ng mansion at pinatunog na si Reddy. Binuksan ko muna ang gate namin pagkatapos ay sumakay na kotse ko.

Pinaandar ko na ito at nagdrive palabas ng subdivision.

Habang nagdridrive ako ay naisip kong pumunta muna sa condo nina Charity? Pupunta pa ba ako doon? Next time nalang hihi. Nag drive muna ako papunta sa mall. Gusto kong magwaliw waliw eh.

**

Nang makarating ako doon ay napatingin muna ako sa cellphone ko para tingnan kong anong oras na. It's already 7:03 a.m. Hmm ang aga pa.

Lumabas na ako sa kotse ko dala ang bag ko at naglakad na papasok ng mall. Marami rami na din namang mga tao ang nakikita ko. Sumakay na ako sa escalator, at napagpasyahan kong dito nalang ako kakain ng breakfast ko. May starbucks naman kasi dito.

Naglalakad na ako papunta sa nakita kong Starbucks malapit doon sa kinainan din namin nina Zaustin at Charity. Sa Sweet Dreamland ata yun.

Pumasok na ako doon at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Vanessa at Zaustin na naguusap at umiinom din ng kape doon, nakatalikod sakin si Zaustin kaya hindi niya ako makikita, si Vanessa naman ay walang paki alam kung sinong pumasok. Hindi ako makagalaw, bakit magkasama sila? At sa ganitong oras? Lihim akong napangiti at akmang maglalakad palabas ng may tumawag sakin, hindi ko siya nilingon sa halip ay naglakad nalang ako palabas doon at sumakay ng escalator. Bwesit na araw toh!

"Acielle!!" hindi ako lumingon kay Zaustin na ngayon ay hawak ang braso ko

Hinawi ko agad iyun at hindi nalang kumibo pa.

"Acielle!" malumanay niya pang tawag sakin pero hindi ako kumibo nang makababa na ako at mabilis akong naglakad palabas ng mall pero tawag tawag niya pa din ang pangalan ko.

Nakakainis ka talaga Zaustin!!

Gusto mo hindi na kita mamahalin--

Ayy! Kaso marupok ako eh!!!

I Love You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon