Chapter 26

26 2 0
                                    

Zaustin Jarold Style Point of View

*Before calling Acielle*

Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Prenteng naka higa sa malambot kong kama. Nakatutok lang ako ngayon sa cellphone ko dahil naglalaro ako ng ML. Yep! Marunong din ako neto pero hindi ako naglalaro sa school. Sadyang sa bahay lang-

*knock* *knock* *knock*

"Zaustin! Zaustin, get out muna there may bisita tayo" rinig kong sabi ni Ate Zelestaire

Napalingon naman ako sa pinto ng kwarto ko "What?" sabi ko

"May bisita tayo. Dali na" aniya

"Okay! Saglit lang" sabi ko at pinatay na muna ang cellphone ko at sinuot ang itim kong t shirt. Wala akong damit kanina, ang init kaya. Sinuot ko na ang tsinelas ko at binuksan ang pinto ng kwarto ko at naglakad pababa ng second floor

Unang bumungad sakin ang maiingay na tawanan. Napatingin naman ako sa may sala namin at agad na kumunot ang noo ko ng makita ko sina Mommy, Daddy, Ate Zelestaire, Kuya Zachary at isang hindi ko kilalang magandang babae.

Lahat sila ay napalingon sakin. "Oh! Zaustin come here" sabi ni mommy

Kaya agad akong naglakad pababa at pumunta sa gawi nila. "What?" agad kong sabi

"Oh! I want you to meet Zachary's young sister." nakangiting sabi ni Mommy

Napalingon naman ako don sa babae at agad ko itong nginiwian dahil sa kapal ng make up. Geez! I hate when a girl using too much make up

"Zaustin, umayos ka" bulong sakin ni Ate

Nanatili ang tingin ko dun sa babae na ngayon ay sobrang lapad ng ngisi. "H-Hi! Z-Zaustin. I know you" kanda utal utal na sabi niya

Tinaasan ko siya ng kilay "Oh!Okay" iyon nalang ang naisagot ko

"By the way im Vanessa Weirl Montenegro- Philipz" pakilala niya. Nanlaki naman ang mga mata ko ng bigla siyang naging, alam mo yung 'malandi style'. Sabay halik ng pisngi ko

"Shit!" malutong kong mura at agad na lumayo

"VANESSA!" malakas na sigaw ni Kuya Zachary

"Uhm- Vanessa. My brother already have a girlfriend, so- uhm" sabi ni Ate Zelestaire

Agad ko namang pinunasan ang pingi ko gamit ang kaliwang kamay ko. Napatingin naman ako kay Vanessa daw na unti unting nawala ang ngiti niya.

"Oh! Ganun po ba. Im sorry" sabi niya, pero ramdam ko ang disappointment sa boses niya

"It's okay iha, and Zaustin really love her girl. That's why he act like that" sabi ni mommy

"Im sorry Zaustin" sabi ni Vanessa

Tumango nalang ako. "Sa may garden lang po ako" paalam ko at agad na naglakad palayo sa kanila

**

"Hay" buntong hininga ko at padarag na umupo sa upuan malapit sa may swimming pool namin-

"Zaustin?"

Agad akong napalingon kay Vanessa dahil bigla niyang tawagin ang pangalan ko. Kinunotan ko siya ng noo. "What?" medyo pataray kong sabi

Nababakla ako neto. Grrr!!

"Uhm- Im sorry kanina akala ko wala kang girlfriend-"

"It's okay. Go back there" walang ganang sabi ko

"Dito na muna ako tsaka nagpaalam din naman ako" aniya sabay naglakad papunta sa kabilang upuan

Napailing iling nalang ako. Hay! Naiinis na ako sa babaeng ito. Halata naman siya eh-

I Love You (Completed)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum