Chapter 16

55 4 0
                                    

Acielle Zien Madrigal Style (charot)

"Good morning, love birds!" nakangising bati samin ni Charity pagkapasok namin sa Gym na ngayon ay naka, pink sports bra na nakatago ang dalawang braso pero kita ang tiyan at bewang niya. At naka gray puma jogging pants. Taray! At naka pink nike rubber shoes din siya.

"Good morning!" ako ang bumati sa kanya.

"Tsa nga pala may kasama tayo!" mahinang sabi niya sabay nguso sa loob. Nanlaki ang mga mata ko ng makita sina Xienna at.. Ethan. Ngayon ko lang ulit siya nakita, pagkatapos niyang pumunta sa bahay namin.

Napatingin ako kay Xienna na walang emosyong nag pupush up kasama si Ethan. Naka red blazer sport bra at red leggings fit na fit yun sa kanya. God! Ngayon ko lang nakita na super sexy niya pala talaga. Naka bun din ang buhok niya at naka red snicker shoes din. Shit! Ang ganda niya.

Bumaling ang tingin ko kay Ethan na naka Blue jogging pants at black t shirt lang at naka white puma rubber shoes. Ang hot din niya pero mas hot si Zaustin ko.

Nagiwas ako ng tingin sa kanila at bumaling kina Charity na ngayon ay may kinakausap. Matagal na din kaming nag ggym dito at meron na din kaming form, ganun din si Zaustin.

Naramdaman kong may humawak ng bewang ko. Ramdam ko ang init doon ng kamay niya dahil naka sports bra lang ako shit!

"Let's go. Sa 2nd floor nalang daw tayo!" aniya

Tumango nalang ako at iniwasan mahagip ng mga mata ko sina Xienna. Mukhang galit kasi siya sakin pati na din si Ethan.

"Sa taas tayo!" tili ni Charity.

Nanatiling nakahawak ang isang kamay ni Zaustin sa bewang ko. Nadaanan din namin sina Xienna na nagpupush up parin. Napatingin siya sakin at tinaasan ng kilay. Kong dati ay bumabati siya samin ngayon ay wala na.

"Hi Xienna. Ethan!" bwesit! Binati pa ni Charity ang babaitang ito talaga.

Nanatiling seryoso ang tingin niya samin "Hi!" ani Xienna

Tumango nalang kami at diretso ng naglakad papunta sa taas. Wala namang elevator ito. Mabuti din yun. Malaki ang gym na ito, hanggang limang palapag ito at kumpleto lahat ng mga gamit

"Tsk! Bakit ganun yung si Xienna ang fresh parin kahit may eye bags na" ani Charity

"Maganda talaga siya. Mana kay Tita Yianne" ani ko

Si Tita Yianne ang mommy ni Xienna, si Tito Xerion naman ang daddy niya ang may ari ng lahat ng barko sa buong pilipinas ganun na din sa ibang bansa. Mayaman talaga sila eh.

Nang makarating kami ang nakita lang namin ay ang dalawang instructor. Isang babae at isang lalaki. Kilala ko din naman sila

"Hi Celine! Hi Kyle!" bati ni Charity.

"Hello! Mag ggym ulit kayo?" sabi ni Celine

Obvious ba haha!

"Obvious naman diba haha!" tawa ni Charity

"Ayy ewan!" aniya

"Mag pupush up lang muna ako" rinig kong bulong sa tainga ni Zaustin

Shit! Ayan na naman ang nakakalokang kuryente. Kinikilig ako.

"S-Sige. Treadmill lang muna ako" ani ko pa

"Okay" aniya at marihing hinaplos ang bewang ko. Shit ka talaga Zaustin at tuluyan ng inalis ito

"Tara na!" ani Charity

Naglakad kami papunta sa mga nakahilerang treadmill. Malapit iyon sa may malaking glass wall. Kaya kitang kita ang sunrise. Ang ganda talaga! Pinagkatitigin ko muna ang nakakasilaw na sunrise ang ganda kasi.

I Love You (Completed)Where stories live. Discover now