Chapter 41

37 2 0
                                    

Acielle Zein Madrigal Point of View

"Saan ang punta niyo?" iyon ang unang bumungad samin ni Zaustin nang makababa kami ng hagdanan. Nasa dining area na silang lahat. At hindi ko maiwasan ang pag kunot ng noo ko ng makita ko si Celline na kumakain katabi si Calyx. Akala ko ba nasa kani kanila silang mansion? Oh baka naman gusto niya lang makita si Zaustin.

Iniwasan ko ang pag irap ko at ngumiti na lamang. "Good morning everyone" bati ko sa kanila.

Magkatabi sina mommy at daddy, ganun din sina Tito Jarold at Tita Zelise. Magkatabi din sina Kuya Ariel at Kuya Ace, at Charity.

Humalik na ako sa kani kanilang pisngi maliban kina Celline at Calyx. Were not close kase.

Umupo nalang kaming dalawa ni Zaustin medyo malayo kina Celline. Ayokong makaharap niya si Zaustin ko. Umupo ako sa tabi ni Charity at si Zaustin ay nasa gilid ko din.

"Let's pray everyone" pangunguna ni Lola

*Few Minutes Later*

Nang matapos kaming magdasal ay nagsimula na kaming kumain. At usual sobrang dami. Hindi na ako nag abalang pangalanan ang mga nakahain dahil gusto ko na talagang kumain hihi.

"Zaustin ito oh tikman mo!" agad akong napalingon kay Celline dahil bigla pa itong tumayo at nilagyan ng pagkain si Zaustin

Nakakawalang gana amp! Napatingin naman ako kay Zaustin na walang emosyong tinitingnan ang nilagay ni Celline

"Masarap yan" sabi pa ni Celline

"Uh- thank you" sabi ni Zaustin

Napailing iling nalang ako at umirap sa kawalan at pinagpatuloy ang pagkain. Pasalamat talaga siya pinsan ko siya.

**

Nang matapos kaming kumain ay nagpaalam na muna kami ni Zaustin na mamamasyal kami. Si Kuya Ace at Charity naman ay mamamasyal din pero katulad namin gusto nilang silang dalawa lang daw. Tsaka alam naman ni Kuya Ace ang mga lugar dito

"Mag swiswimming tayo?" napalingon ako kay Zaustin. Nandito ulit kami sa kwarto ko, naglalagay ako sa medyo malaking bag nang mga damit namin. Baka maligo kami o ano.

"Yep yep" sabi ko

"Psh! Buti hindi ka nagselos kanina kay Celline" aniya

Dahilan para mapatigil ako sa pag-aayos. Nilingon ko ulit siya na ngayon ay prenteng naka upo sa gilid ng kama ko. Wala sa sariling naglakad ako papunta sa gawi niya at niyakap siya.

"Hindi na ako magseselos, dahil simula ngayon ay meron ng tayo. Tsaka may tiwala naman ako sayo eh. Mahal naman natin ang isat isa, kaya nasisiguro kung hindi ka magloloko. Love mo ako diba?" malambimg na sabi ko sabay halik ng leeg niya. Sa sunod ko nalang kakagatin hihi!

Naramdaman ko naman na marihing hinahaplos ni Zaustin ang bewang ko. "Hmm- I know. Talaga hindi ka na magseselos huh?! I love you" aniya

Mahina akong natawa. "Tingnan natin haha" sabi ko

**

"Mommy! Aalis na po kami" paalam ko kina mommy matapos naming mag-ayos sa kwarto ko. Mag- ayos lang talaga haha!

Nandun silang lahat sa sofa. Nagpapasalamat talaga ako dahil wala na sina Celline hays!

I Love You (Completed)Where stories live. Discover now