Chapter 15

61 4 1
                                    

Acielle Zein Madrigal Point of View

*KRINGG* *KRINGG* *KRINGG*

Unti unti kong minulat ang mga mata ko dahil sa lakas ng tunog ng alarm clock ko. Nag set kase ako hating gabi na ang nakalipas. Nag inat inat muna ako ng katawan at napaungol ng kaonti. Ganun talaga diba pag bagong gising. Bumangon ako sa pagkakahiga at kinusot kusot ang mata ko.

Pinagmasdan ko ang paligid hanggang sa natuon ko ng paningin ang labas ng veranda ng kwarto ko. Psh! Sabado pala ngayon, mag ggym kami ngayon nina Charity kasama pala si... Zaustin,

Napangiti ako dahil nasambit ko sa isip ko si Zaustin. Iyong paghalik niya sakin kahapon. Ugh! Tumigil ka self ang aga aga ang manyak mo!

Tumayo na ako para kunin muna ang cellphone ko. 4:50 a.m pa pala. Una kong nakita ang text galing kay Charity.

From: Charity ♥ Ace

12.00 p.m

Nagtext sakin si Zaustin hating gabi, siya daw ang susundo sayo. Taray! Magkakalove life ka na niyan!

Mahina akong natawa. Hay naku! Nag tipa din ako para pang reply sa kanya

To: Charity ♥ Ace

4:52 a.m

Good morning babaita. Gising na. Pupunta na ako! Haha charot!

Sabi ko. At himala agad din ng nagreply ang bruha. Siguro gising na ito.

From: Charity ♥ Ace

4:54 a.m

Duh! Kanina pa ako gising nakaligo na ako noh! Tsaka papunta na ako. Bye~

Napangiti nalang ako hindi na ako nag reply. Sa halip ay tenext ko nalang si Zaustin. May number din ako niya, hiningi ko kay ate zelestire

Nagtipa agad ako para makaligo na

To: Zaustin Jarold My Baby~

4:55 a.m

Hi good morning Zaustin! See you mamaya hihi♥

Wala pang naging reply.

Napaisip tuloy ako, tulog pa kaya siya? Naisip ko din na gising pa siya alas dose ng gabi. Hmm? Tatanungin ko nalang mamaya

Tsaka nga pala hindi pa ako nakapag paalam kina mommy. Bahala na sasabihin ko nalang mamaya.

Nilagay ko na muna ang cellphone ko sa lamesa ko at kinuha ang towel sa cabinet ko at diretsong pumasok sa C.R para maligo.



*FEW MINUTES LATER*


Naka tapis lang ako ng tuwalya pagkatapos kong maligo. Hinalughog ko na ang isang cabinet ko na ang puro laman ay mga sinusuot ko tuwing nag ggym kami.



Kinuha ko ang isang gray sport bra at isang blackpink na addidas jogging pants. Sinuot ko na ito, pagkatapos ay tiningnan ko sa salamin. Bagay naman, may kurba din ang katawan ko eh tsaka wala akong bilbil, maputi ako nagmana ako kay mommy sa mga mata naman namin ay namana namin kay daddy.

Kinuha ko din ang isang black snickers na regalo sakin ni Tita Flerida, kapatid ni mommy. Mayaman din yun eh ang asawa niya ay may ari ng Fly Asia. Flight attendant kasi siya, maya imbes na piloto ang makuha niya ang may ari talaga ng buong Fly Asia ang napangasawa.

I Love You (Completed)Where stories live. Discover now