Chapter 12

46 4 0
                                    

Acielle Zien Madrigal Point of View

"Tsa nga pala hindi ba pupunta sina Tito Jarold dito?" tanong ko

Patuloy parin kami sa paglalakad nasa 2nd floor palang kami. Medyo may kataasan din ang building na ito eh!

"Hindi sila nakapunta, naging busy na naman sila eh. At tsaka uuwi mamayang gabi si Ate Zelestaire magbabakasyon daw siya. Tamang tama na birthday ni Tito Andrius sa sunday" aniya

"Oh! Uuwi siya. Yieee!! sana may pasalubong ako haha!" biro ko

"Palagi ka namang may pasalubong mula kay Ate eh!" aniya pa

Ngumiti ako sa kanya, hawak pa rin niya ang baywang ko. Shit! Kinikilig na naman ako.

Nang makarating kami sa 5th floor ay dun palang tinanggal ni Zaustin ang pagkakahawak niya sa baywang ko. Sabay kaming pumasok. Hmm! Wala pa pala si Mrs. Renato, kaya pala ang iingay ng mga kaklase ko.

Nilibot ko ang paningin ko sa buong classroom. Medyo nalungkot ako dahil wala si Ethan. Umuwi ba siya? Nag cutting ba siya dahil sakin?!

Napabuntong hininga ako at naglakad papunta sa gawi ni Charity na ang sama ng tingin sakin?! Anyare sa isang toh!

Dahan dahan akong umupo pero nakatingin parin ako sa kanya?

"Saan kayo nanggaling ni Zaustin?" seryosong aniya

Ngayun ko lang naalala na dapat ay pumunta din kami sa cafeteria. Shit! Baka naghintay doon si Charity.

Nahihiya akong sabihin sa kanya na nagkiss kami kanina ni Zaustin grrr!

"Sagot! "aniya pa

Napailing iling nalang ako "Sorry kong naghintay ka kanina, napahaba ang usapan namin ni Zaustin eh!" ani ko sabay nguso

Ngumiti siya sakin" Hmm okay na rin, pero alam mo ba kanina, kyahhhh~~~ sinabayan akong kumain ni Ace. Ayeiiiii♥" aniya

Napangiti tuloy ako "Edi mabuti" ani ko

Bahagyang natahimik ang buong classroom ng dumating si Mrs. Renato. Dire diretso lang siya sa mesa niya at nilagay ang mga dala niyang libro.

Medyo may pagka masunget din itong si Maam eh.

"Good afternoon students" bati niya samin

"Good afternoon maam" ani naming lahat

"Before we start our discussion, I'll check your attendance" aniya

Umayos ako ng upo at nahagip ko ng paningin si Zaustin, wala siyang katabi sa ikalawang row. Bahagya akong nalungkot. Bakit kaya ganun sila, wala namang ginagawang mali si Zaustin sa kanila eh. Naaawa ako sa kanya at the same time nasasaktan-

"MADRIGAL!!!" bigla akong napatalon sa malakas na sigaw sakin ni Mrs. Renato

"I been calling you 3 times! Are you with us?!" naka kunot noo niyang sabi

Ilang beses akong napalunok. Shit! Nakakahiya ka talaga Acielle!" I-Im sorry maam" iyon nalang ang nasabi ko dahil sa kahihiyihan. Napayuko nalang ako

Narinig kong napa 'tsk' si maam. Marihin akong napabuntong hininga.

"Are you okay Cielle?" tanong sakin ni Charity, matapos ang class namin kay Mrs. Renato. Pinagsabihan din niya ako kanina bago kami lumabas na mag focus ako sa kanyang classes at wag mo ng magisip ng kong ano.

Nandito kami ngayon sa 7th floor next ulit na subject. At wala pa din si Ethan, ganun na ba ang galit niya sakin. Pero kase kasalanan ko naman eh! Pinagsalitaan ko siya ng masasaket na salita.

I Love You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon