Chapter 32

32 2 0
                                    

Acielle Zein Madrigal Point of View

Hindi ko alam kung pano ako napatahan nina Charity at Xienna kanina. Nandito kami ngayon sa may garden at ang sabi daw ng dalawa ay nag- cut nalang daw sila ng class.

"Acielle" pagtawag sakin ni Charity

Hindi ko siya kinibo. Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko. Hindi pa din ako kumibo o lumingon man lang.

He left me

He left me

He left me

Patuloy pa din sa pag echo sa isip ko ang mga salitang iyon. Bakit kasi kailangan niya pa akong iwan. Ganun na ba kasama ang ginawa ko sa kaniya para iwan niya ako nang ganun ganun lang?!

Pero kasi wala pa namang kami. Kaya okay lang siguro sa kaniya

Mahina akong natawa. "Kaya siguro niya ako iniwan kasi alam niyang wala pa kaming relasyon" malumanay kong sabi

"Hey! It's not true okay" giit ni Xienna

Umiling iling ako. Naalala ko naman yung ginawa kong pagtaboy sa kaniya. "At.... at siguro iniwan niya ako kase ako mismo ang nagtaboy sa kaniya palayo.. at basta nalang sumama kay Thunder..... ginawa ko lang naman yun kasi nasaktan din ako eh" sabi ko sabay punas ng mga luha ko

"Acielle! hindi totoo yung sinasabi ni Vanessa kanina. Alam mo kung nakita mo lang kong gaano ka galit si Zaustin nung umalis ka dun sa room. Si Vanessa naman ay hahabulin ka sana dahil sa ginawa mong pag hampas at pagdura sa kaniya pero sinampal ko agad siya. Si Zaustin naman ay pinagsalitaan muna ng masasama si Vanessa kaya nahuli siya para sundan ka. Acielle! Hindi siya kinama ni Zaustin okay, alam mo namang bihira lang yan mag bar si Zaustin. Hindi naman kasi siya pala inom diba? Sana hindi mo siya iniwan kanina dun sa room at sana naging matapang ka para marinig kung mga walang kwentang sinabi ni Vanessa" tugon ni Xienna

Hindi ako nakakibo. Lalo lang akong umiyak dahil sa mga narinig ko. Walang kasalanan si Zaustin, yung punyeterang Vanessa lang.

Don't worry Zaustin, pagbalik mo. Alam kong mahal pa din kita

Marupok ako eh!

*RING* *RING* *RING*

Napatingin ako sa cellphone ni Charity dahil bigla itong nag ring. Tiningnan niya naman ito at nakita kong may munting ngiti sa mga labi niya. Napatingin ako sa cellphone niya at nanlaki ang mga mata ko ng makitang si Zaustin iyon, akmang kukunin ko iyon ng bigla niyang nilayo yun sakin

Ngumuso ako. Kainis ka Zaustin. Sa kaibigan ko tumatawag ka pero sakin hindi.

Magseselos na sana ako kaso kaibigan ko yun eh! Amp!

"Makinig lang kayo" ani Charity

Wala sa sariling napatango nalang ako. Sinagot naman ni Charity ang tawag at agad na ni loudspeaker ito.

"Hello Zaustin!?" sabi ni Charity

"Hello" iyon lang ang unang nasabi ni Zaustin

God! I miss him na agad

"Oh? Nasa airport ka na ba?" tanong pa ni Charity

Gusto kong maiyak sa tanong niya. Bwesit naman eh

"Oo" sagot niya

Kusa namang tumulo ang mga luha ko. Damn you Zaustin. Humanda ka sakin pag- uwi mo hinding hindi na kita pakakawalan!

"Ganun ba? Bakit ka napatawag?" tanong ulit ni Charity

"Nasan ka? Kasama mo ba si Acielle?" balik tanong ni Zaustin

I Love You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon