Chapter 37

38 2 0
                                    

Acielle Zein Madrigal Point of View

*3 MONTHS LATER*

"Acielle!!! Tapos ka na ba diyan?" sigaw ni Mommy

"Wait lang mommy" sabi ko, sabay ayos ng mga gamit ko.

Yehey! 3 months na ang nakalipas at natapos na din ang Foundation Day namin at today is the best day, dahil sembreak na namin. Whoahh!!! Where going to Cebu, kina Lola Ajienita. Ang mga kasama namin ay sina Tita Zelise, Tito Jarold, Ate Zelestaire, Zaustin (ihik!), Charity, ako, Kuya Ace, Kuya Ariel, Mommy at Daddy.

Ewan ko kung sinama ni Ate Zelestaire si Kuya Zachary. I don't know-

"Hoy! Bilisan mo na diyan!" napatingin ako kay Charity. Yes! Dito na siya natulog simula ng nalaman niya na pupunta kaming Cebu, masyadong excited eh! Okay naman kina mommy. She's always welcome to our house.

Teka! Aayusin ko muna ang dadalhing maleta ko, bale dalawang maleta ang dala ko, ang isang maleta ay puno ng mga bikini. Duh! Five or six days ata kami dun. Yiee!! At sa isa naman ay mga summer dress o spaghetti strap syempre may mga shorts din.

"Tara na" yaya ni Charity na dala na ang dalawang malaking maleta niya. Naka white off shoulder boho dress na. Excited much?

"Sandali" sabi ko sabay kuha ng cellphone at laptop ko at diretsong nilagay sa isang malaking sling bag ko. Ayokong ihalo sa maleta ko baka masira

**

"Ayieee! Let's goo!!" tili pa ni Charity

Napailing iling nalang ako. Pupunta pa kami sa mansion nina Zaustin. Ngayon ay nasa ikalawang van kami. Bale dalawang van ang dala namin. Yung isa ay lalagyan ng mga maleta namin at nandito kaming dalawa ni Charity, ang isa naman ay kina Mommy, ewan ko kung magdadala din ng van sina Tita.

"Cielle! Ano daw itong sabi sakin ni Liam na gusto niya daw si Xienna?"

Napalingon ako kay Kuya Ariel na ngayon ay busy sa cellphone niya

Napamaang ako. "Hindi ko alam kuya" sabi ko

"Tsk! Ibang klase din yung lalaking yun. Ang alam ko eh yung ate ni Xienna na si Yrianne ay may gusto din kay Liam. Tsk! Malaking gulo toh" aniya sabay iling iling

Hindi nalang ako kumibo. Bahala na sila sa love life nila. Mabait naman yun si Ate Yrianne, ewan ko lang kung papayagan niya si Xienna na mahalin din si Liam.

**

Nang makarating kami sa mansion nina Zaustin ay nandun na pala sila sa tapat ng gate. Mukhang kanina pa naghihintay.

Unang lumabas sina mommy at daddy, lumabas na din kami syempre.

Doon ko nakita sina Tita na masayang nag uusap, nilibot ko naman ang tingin ko nagbabakasakaling makita ko si Zaustin-

"Hinahanap mo ba si Zaustin, Acielle?" napalingon ako kay Ate Zelestaire na ngayon ay naka pink floral dress na.

Tumango agad ako. "Oo ate eh" sabi ko

Nakita kong ngumiti siya. "Kausap ni Vanessa sa likod nun"

Dahilan para mawala ang ngiti ko. Magkausap sila? Pero hindi ko pinahalata na naakpektuhan ako, sa halip ay ngumisi nalang ulit ako. "Kasama po sila-"

I Love You (Completed)Where stories live. Discover now