Chapter 6

52 5 2
                                    

Acielle Zien Madrigal Point of View

Habang tumatakbo ako patungo kina Kuya Ariel ay hindi ko maiwasang tingnan ng masama si Xienna dahil panay ang dampi neto ng betadine ata sa mga natamong sugat ni Zaustin.


Bakit kailangang kasama pa siya. Grrr!! Naiinis naman ako ha!


Oo nat alam kung wala naman siyang ginagawang masama, tinutulungan lang niya si Zaustin, pero hindi ko talaga maiwasang mainis!!!! Argh!

"Acielle, anong nangyari diyan sa kamay mo?" takang tanong ni kuya ariel


Napalingon ako sa kanya, nagmamaneho kase siya ng kotse niya. Ako ang nasa passenger seat, sa likod ay ang wala pading malay na si Zaustin at malanding si Xienna. Sorry Xienna ha! Para sakin malandi ka! May pasama sama ka pang nalalaman, eh wala ka namang ginawa. Naiinis ako, kanina niya pa dinadampian ang bulak ang gilid ng labi ni Zaustin kainis!!!

"Acielle!!" napalingon ako kay kuya ng bigla itong sumigaw

"What! Wag ngayon kuya, naiinis pa ako, baka masuntok pa kita" walang modong sabi ko.

"Easy there lil sister! Im just asking you, okay!" aniya

"Oo nga Acielle, patingin nga ng kamay mo" sabi pa ni Xienna.

'Baka gusto mong masuntok Xienna, kanina ka pa ha!'

Hindi ko na sila pinansin at tinuon ang atensiyon ko sa labas ng kotse.....

Nang makarating kami sa Santiago Hospital ay dali dali nilang nilabas si Zaustin, tumawag na din ng nurse si Xienna at nilagay na sa stretcher si Zaustin. Nakahinga na ako ng maluwag.

Pumasok na kami sa ospital at umupo nalang muna sa labas ng conference room. Tulala lang ako buong oras.

Kung may sasabihin sina kuya at xienna ay tumatango nalng ako...

Makalipas ang ilang oras ay lumabas na si Dr. Danine Guerrero-Santiago. Siya ang may ari ng ospital na ito..

Bigla akong napatayo, at bahagyang napangiwi dahil biglang sumakit naman ang mga kamao ko. Nakita kong napatingin doon si Dr. Santiago.

"Kamusta po siya Doc?" tanong ko.

Napatingin siya sakin at tumango "He's okay now, kailangan niya lang magpahinga. Mukhang napuruhan siya sa pangbubugbog at hindi nakaya ng katawan niya. Mukhang mabibigat ang mga kamaong tumama sa ibat ibang parte ng katawan ng pasyente. Pero, he's already stable now." ani Doc.

"Thank you po" ani ko

"Don't mention it! I gotta go, tawagin niyo lang ako pag may kailangan kayo. I'm always in my office. And by the way, may mga gamot na dapat ipainom sa kanya, sa parents ko nalang ito ibibigay ha!" Aniya pa

"Okay po Doc" ani ko

Tumango nalang ito at iniwan na kami.

Umupo ulit ako at napabuntong hininga...

"Acielle, pagamutin mo muna yang sugat mo" ani Kuya

I Love You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon