Chapter 17

47 3 0
                                    

Acielle Zien Madrigal Point of View (soon to be Style haha)

Hindi mawala ang mga ngiti ko sa labi ko dahil sa nangyari kanina. Pumasok na ako sa gate namin, doon ko nakita si Anice isa sa mga maid namin na dumidilig ng mga halaman.

Ngumiti siya sakin "Good morning maam" ngiti niya

Ngumiti din ako sa kanya at nilahad ang isang box ng dunkin donuts "Good morning Anice. Sabihan mo sina Kikay, Lily, Flora, na may pasalubong akong donuts sa kanila" ani ko

"Naku! Salamat maam!" aniya at tinanggap ang bigay kong donuts

"Your welcome, papasok na ako!" ani ko

"Sige po maam!" aniya

Hindi na ko nagsalita at nakangiti muling pumasok sa malaking pinto ng mansion namin.

Nakita ko sina Mommy, Daddy, Kuya Ace at Kuya Ariel na tahimik na kumakain. So! Wala palang pasok sina Mommy ngayon.

Napatingin sila sakin. "Good morning po!" bati ko sa kanila at humalik sa mga pisngi nila. Syempre baka magtampo naman sina Kuya, kaya hinalikan ko nalang din.

"Donuts!" masayang wika ni kuya ariel

"Here!" lapag ko sa lamesa.

Bumaling ulit ako kina mommy na sumisimsim na ngayon ng kape "Wala kayong work mommy?" tanong ko sabay kuha ng isang spam, at kumagat. Hindi na muna ako umupo pawis pa ako eh.

Umiling siya at ngumiti "Paghahandaan muna namin ang birthday ni honey!" masayang sabi niya

Lalo tuloy akong napangiti "Ayiee! Hang Sweet" ani ko

Tumawa nalang silang lahat.

"Acielle magpalit ka na dun kita pa ang bewang mo oh!" biglang saad ni kuya ace sakin.

Tumango nalang ako at inubos ang kinakain kong spam "Okie dokie. Magpapalit lang po ako" ani ko

"Hindi ka muna kakain 'nak?" tanong ni daddy

Umiling ako at ngumiti "Kumain na din po kami kanina sa dunkin donuts, busog na po ako." ani ko. Hmm pagpapaalam muna ako sa kanila pala "Tsaka nga pala daddy pupunta kaming mall mamaya nina Charity!" saad ko pa

"I know kasama si Zaustin!" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni dad. Paano niya nalaman?

Narinig kong tumawa siya "Nagpaalam sakin kani kanina lang!" aniya

Tumango nalang ako "Asus! Kilig ka naman lil sis?" tukso ni kuya ace.

"Opo Charity!" tukso ko din

Sumama ang mukha niya "Tsk! May crush ka din naman kay Charity ah!" dagdag ko pa

"Whatever!" at ang loko kong kuya, marunong ng umirap.

"Magbibihis lang po ako!" paalam ko at naglakad na papunta sa taas at binuksan ang pinto ng kwarto ko.

Agad ko itong sinara at nilock. Naglakad ako papunta sa may veranda at binuksan ang malaking bintana nito. Hmm I need Fresh Air. Napapikit ako habang dinadama ang malamig na simoy ng hangin at ang sinag ng araw na dumadampi sa mukha ko.

*KRING*

Napamulat ako ng mata ng biglang tumunog ang cellphone ko. Ngayon ko lang napagtanto na nasa balikat ko pa ang purse ko. Kinuha ko ang cellphone ko para tingnan kong sino ito.

Shit! From Ethan. Sa I.G ko siya nag text

Agad ko itong tiningnan.

~EJ RODRIGUEZ_HERE~

I Love You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon