Chapter 21

33 2 0
                                    

A/N: Hi :>

________________________________________

Acielle Zein Madrigal Point of View

"Acielle!" bungad sakin ni Charity. Hindi ko muna siya pinansin at tuloy tuloy lang na pumasok sa loob at pabagsak na umupo sa pinakamalapit na sofa

Badtrip ako ngayon. Argh!

"Acielle? Okay ka lang?" tanong sakin ni Charity at umupo sa tabi ko

Tumango ako. "Nabwesit lang ako kanina" sabi ko at tingin sa kanya na pugtong pugto ang mga mata

"Bakit?" tanong niya

Napabuntong hininga ako. She's my best friend kaya sasabihin ko sa kanya. "Kanina kasi sa elevator" maikling sabi ko

"Anong nangyari?" aniya

"May nakasabay akong tang inang lalaki" sabi ko

"Huh? Bakit anong ginawa?" Tanong niya na naman

"Forget about it" sabi ko

"Hindi! Anong nangyari?" makulet talaga ang isang toh eh!

Napabuntong hininga nalang ako. "Yang katabi mong kwarto, yun yung nanginis sakin kanina" mataray kong sabi

Nakita kong umawang ang mga labi niya. "W-What si Thunder?" hindi makapaniwalang sabi niya

Kumunot ang noo ko. "Yes? Do you know him?" tanong ko

"Of course. Magkaibigan sila ni Ariel diba?" aniya

"Hindi ko alam" sabi ko

"Psh! Wag kang mainlove doon-"

"Tsk! Hinding hindi ako maiinlove sa bwesit na yun" sabi ko

"Hmm-mm may Zaustin ka na eh" aniya

Tumango ako at nilibot ang paningin ko sa kabuuan ng condo niya. Malaki din ito tsaka light brown ang kulay. May tatlong kwarto din at isang Bathroom. May veranda din doon sa gilid at may malawak na kusina.

"Are you sure dito ka na muna titira?" tanong ko kay Charity

Tumango naman siya at ngumiti. "Yep! Gusto kong mapag isa at tsaka ayoko munang makalapit kina mommy" aniya

"Nagkausap kayo kanina?" tanong ko

Umiling iling lang siya. "Nope" simpleng sabi niya

"Saan ka pala pumunta kanina, nag alala ako sayo" sabi ko

"Sumakay ako sa kotse ni Ace kanina, I don't know kung sana niya ako dinala, pero nakakagaan ng pakiramdam" aniya sabay pikit

"Magiging okay pa ba kayo nina Tita?" tanong ko ulit

"I don't know. I really don't know Cielle. It's fucking hurts. Haha first time akong sinampal ni mommy haha. Ganun pala ang feeling nun noh! Parang pinaramdam niya na din sakin na mas kinakampihan niya yung Danity na yun. I don't know kong mapapatawad ko pa sila. Lalo lang nilang pinapalala ang sitwasyon eh. Oh ako talaga ang nagpalala haha. Tsaka bahala na sila, basta ayoko ng manggulo sa kanila. Sana maging masaya nalang sila" aniya sabay punas ng luha niya

Niyakap ko siya ng pagka higpit higpit. "Alam mo ba kanina, ang sabi ni Tita Katerine kay Tito Christopher, pag nawala ka daw aa kanya ay mawawala din daw si Tita kay Tito" sabi ko

"Haha! Nagbanta pa. Nung sinampal palang ako ni mommy, nawala na ako sa kanya eh!" aniya sabay hikbi

"Hush! Stop crying Cha please" sabi ko

I Love You (Completed)Where stories live. Discover now