Chapter 40

39 3 0
                                    

Acielle Zein Madrigal Point of View

Nang makarating kami sa Mansion nina Lola ay kumain ka muna kami pagkatapos ay nagpahinga muna.

"Uhm- Tita pwede po bang sa kwarto ako ni Acielle matulog?" agad akong napalingon kay Zaustin

Napalunok ako. "Uhm-"

"Sure! It's okay. Go on" nakangiting sabi ni Mommy

"Thank you, Tita" ramdam ko ang saya sa boses ni Zaustin

Napailing iling nalang ako-

"Zaustin pwede ba kaming magusap ni Acielle?"

Napalingon ako kay Charity. Jusko! Muntik ko na siyang makalimutan. Agad akong lumapit sa kaniya.

Napalingon naman ako kay Zaustin na ngayon ay nakatingin din pala samin. "Mauna ka na muna sa kwarto ko Zaustin. Maguusap lang kami" sabi ko

Alam niya naman kung saan ang kwarto ko kaya, wala na akong dapat ipag-alala. Psh! Mabuti nalang at umuwi na sina Celline at iba pang mga pinsan namin sa kani kanilang mga bahay, kasama na dun si Calyx. Hays!

"Okay!" Iyon nalang ang naisagot ni Zaustin at humalik na muna sa pisngi ko at naglakad na palayo

Napatingin naman ako kay Charity na ngayon ay nasa baba ang paningin niya. Tumukhim ako para makuha ang atensiyon niya at walang pasabing hinila pababa at naglakad papunta sa garden nina Lola.

Padarag kaming umupo doon sa wooden chair at agad na tumingin sa kaniya. "Talk" sabi ko

Bago siya nagsalita ay napabuntong hininga muna siya. "Kanina..... kanina, tumawag sina Mommy... ang sabi niya sakin, kung nasan daw ako. Tsaka... nalaman na din nila kung nasan ang bago kong condo, pero hindi ko sinabi sa kanila na nandito ako-" napatigil siya sa pagsasalita ng bigla siyang umiyak.

Nanlaki naman ang mga mata ko. Pati ba naman dito? "Shhh" pagtahan ko sa kaniya sabay yakap sa kaniya ng mahigpit

"A-Ang sabi ni Mommy..... inatake daw si Daddy ng..... Hika niya. Tang ina Cielle. Gustong gusto ko siyang puntahan kanina kaso lagi kung naiisip kung pano niya kami niloko at sinaktan. Hindi ko kaya eh! Kanina sa eroplano.... gustong gusto kong bumalik.... sa totoo lang talaga-"

"Shhhh! Stop crying. Pupuntahan mo ba sila?" tanong ko

Umiling iling siya. "Dito na muna ako, tsaka one week lang naman kayo dito diba? Mag eenjoy muna ako" aniya at kumalas sa pagkakayakap ko

Pinagkatitigan ko siya lalo. She's Charity Ieine Salonga Corpuz. My long time best friend. Sa aming dalawa mas malakas siya, pero pagdating sa pamilya, sobrang hina niya. I feel so sorry to her. Wala man lang akong magawa-

"Stop thinking that you're not a good friend to me Acielle. Kahit alam mo namang hindi yan totoo. Your super a good friend for me" aniya sabay ngumiti

Kaya napangiti nalang din ako. "Ayieee" sabi ko

"Tara na nga sa loob. Ang dami kung nakain kanina, tsaka pala yung babaeng dikit ng dikit sa inyo ni Zaustin. Pati ba naman dito may manlalandi pa kay Zaustin haha. Tsaka yung lalaking kausap mo kanina, sino yun? Pero in fairness ang gwapo-"

"Psh! Manahimik ka nga Charity, may Ace kana eh" sabi ko

"Amp! Ang sinasabi ko lang naman eh gwapo-"

"He's name is Calyx" putol ko sa kaniya

"Wahhh!! Ang hot" aniya

Napailing iling nalang ako at tumayo. "Tara na nga sa loob. Nilalamig na ako eh" sabi ko

I Love You (Completed)Where stories live. Discover now