Chapter 2

129 9 0
                                    

Acielle Zien Madrigal Point of View

Umupo nalang kami ni Charity sa upuan namin. Hindi ko na pinansin si Ethan at hindi naman ako naniniwala sa kanya kase. Playboy! Naman talaga yun eh....

"Hi again Sweetheart!! pansinin mo muna ako" napatingin ako kay Ethan na nakanguso pa. Ugh! Kainis kang lalaki ka.

"At bakit naman kita papansinin??!" mataray kong sabi sa kaniya

"Ang aga aga ang sungit!" aniya

Nginiwian ko siya "Sinong hindi susungit ngayung araw eh nakaharap kita!!" ani ko sabay irap sa kanya...

"Ouch! Ang sakit mo namang magsalita :("  aniya sabay hawak sa dibdib niya. Psh! Kalokohan!!

"Lumayo ka nga!!!" ani ko sabay taboy.....

"Eto naman eh!!!" aniya at naglakad papunta sa upuan niya...

Tumingin nalang ako sa pintuan ng aming room baka sakaling pumasok si Zaustin ng hindi ko namamalayan.. Ihik!!! ^____^

"Cielle, tingnan mo toh oh!" napatingin ako kay Charity dahil may pinapakita siya saking..... PICTURE?

"Ano yan?" takang tanong ko?

"Ewan ko nakita ko lang toh sa facebook ni Xienna eh" lalo akong na curious bigla dahil sa pagbanggit ni Charity ng pangalan ni Xienna....

Xienna Annieta Gonzales- Smith

Ang campus crush. Yes maganda din ito, mabait, matalino. Ang nakakainis lang ay may crush din siya kay Zaustin ko. Haysss... Yun ang pagkaka alam ko, halata naman siya eh!

Nakita ko sa pictures na magkasama sila ni ZAUSTIN. Kumakain sila sa isang restaurant. Anong! Bakit ganun?!!! Hindi ko alam pero biglang kumirot ang puso ko. Makitang may kasamang iba si Zaustin,at nakangiti pa huh!Psh!  Sa school kase bihira lang siya ngumiti!!! May.... May gusto din ba si Zaustin kay Xienna?

Maya maya pa ay narinig ko ang pamilyar na tawa ni Xienna. Kaya napatingin ako sa pintuan namin, parang tinutusok ng libo libo ang puso ko ng makitang magkasama silang dalawa ni Zaustin.  Wow! Ang ganda talaga ng umaga ko. Nanatili lang  akong nakatingin sa kanila.

Malapad ang ngiti ni Xienna si Zaustin naman ay ngumingiti lang.....

"Ouch! Ang sakit namang tingnan yan Cielle haha!" pabulong na sabi ni Charity.

Ngumiti ako ng pilit "Hahaha wala akong pake!" ani ko. Pero ang totoo ay nasasaktan na ako!

"Hehe serre nemen!" ani Charity sabay peace sign.

Umirap ako sa kawalan at kinuha ang cellphone ko. Bakit kaya ang tagal ngayun ng Lecturer namin?!

"Ahh! Good morning classmates. Wala ngayun si Mr. Obonios kase may lagnat daw, baka mga 2 or 3 days siyang wala. And wala naman siyang iniwan na gagawin natin kaya free tayo ngayun. Pero bawal daw tayong lumabas sabi ng adviser natin. Yun lang" ani Xienna. Siya kase ang President sa Room namin eh.

"Ayy ang swerte natin haha!" ani Charity..

Umirap ako sa kawalan at sinulyapan si Zaustin na naka headset at nagbabasa ng libro. Naka nerd glass siya, pero ang gwapo parin hahaha!!!

I Love You (Completed)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora