Seenzoned

5.7K 158 5
                                    

"He's gone..." 

Hindi na alam ni Vice ang gagawin. Wala na ang taong nagpalaki sa kanya simula noong nawala na ang ama niya at nagtatrabaho naman sa Amerika ang ina nya. 

Pagkatapos niyang umiyak ay tulala lamang siyang nakaupo sa isang kapilya doon. Hindi niya maiwasang maitanong sa Diyos kung bakit nangyayari ito sa kanya ngayon.

"Bakit ganyan.. Bakit kung kailan masaya ako, palaging may kapalit na kalungkutan? Ang sakit sakit naman po." 

Nanatili lamang doon si Vice hangga't sa pinuntahan na siya ng kanyang ina. Niyaya siya nitong kumain, pero hindi parin ito kumikibo. Dumating na rin ang isa niyang kapatid at niyakap na lang niya ang bunsong kapatid.

Hindi man sila nag-uusap, pero ramdam nila ang lungkot ng bawat isa. Lalo naman nitong si Vice na siyang pinakamalapit sa Lolo nila.

Pagkalipas ng ilang oras, ay naihatid na sa kanilang bahay ang kanyang Lolo. Maraming kapitbahay ang nakarinig tungkol sa balita na ito, kaya marami-rami rin ang nakiramay sa kanila. Ganoon pa rin, si Vice ay tulala paring nakaupo sa harap ng kabaong ng kanyang pinakamamahal na lalake. Tinabihan naman kaagad siya ng ina at kinausap.

"Alam mo ba nung isang araw, kinausap niya ako. Miss na miss ka na daw niya, anak. Namimiss ka niya kasabay mamasyal doon sa bukid nila ng Lola mo. Namimiss na din niya yung kinukwentuhan mo siya tungkol sa mga pinagdadaanan mo. Na kahit di mo daw sinusunod ang mga payo niya, ay mahal ka pa rin niya." mas lalo namang napahikbi si Vice sa kanyang naririnig.

"Ipinagtaka ko nga kahapon ng umaga, bigla niya nalang sinabi.. "Mga anong taon pa ba matatapos sa pag-aaral yang si Tutoy? Gusto ko na ulit magka-apo. Sana magkaroon pa!"" patawang dagdag ni Nanay Rosario. "Mahal na mahal ka talaga ng Lolo mo. Walang araw na di ka niya nababanggit sa mga kapatid mo." 

"Alam mong ayaw ka niyang nakikitang malungkot, Tutoy. Magpakatatag ka lang.. tayo. Mas magiging masaya siya kapag hindi tayo nagluluksa ng sobra sa pagkawala niya." 

---------------------

Napag-isipan naman ni Vice na pumasok sa kanyang kwarto at magpahinga na muna. Kinuha muna niya ang kanyang telepono at chinarge ito. Pagbukas niya ay nakita naman niyang marami na palang tinext sa kanya ang kaibigan na si Billy, Vhong, Anne at syempre si Karylle gamit ang number ng kanyang ina.

Binasa niya ang lahat ng ito, at gumaan ang pakiramdam niya sa mga sinabi ni Karylle. 

"No matter what happens to Lolo, he will always be special to me. And ikaw, sana okay ka lang. I'll do my best para mapuntahan kita dyan. I promise. I miss you na best. I love you and don't forget to pray :)" 

"Ang babaeng 'to talaga ang nagbibigay ngiti sa akin ngayon..." sabi niya sa sarili. Madali naman niyang nireplyan ito.

To: Karylle

Pasensya na Karylle. Hindi mo na kailangan pumunta pa dito. Wag kang mag-alala, babalik naman ako. Mag ingat ka palagi ha? Sobrang miss na kita.

Vice's POV

Sa totoo lang, sobrang kailangan ko siya ngayon. Pero hindi ko naman gustong pilitin siya. Siya ang gusto kong yakapin ngayon. Siya ang gusto kong kasama. Siya kasi yung palaging nandyan para sakin sa tuwing mabigat yung mga pinagdadaanan ko. Lalo na noong kami pa ni Kevin. 

ViceRylle: PansamantalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon