Under The Stars

7.2K 204 34
                                    

Magkatabi naman si Vice at Karylle sa loob ng sasakyan sa buong biyahe. Si K naman ay nakatulog naman sa mga binti ni Vice (hindi sya nakaharap kay junjun). Pati sina Zia ay nakatulog na rin kaya naman si Vice at Ernie nalang ang gising sa oras na yun.

Pinaandar ni Ernie ang radyo dahil sa masyado na siyang inaantok sa pagmamaneho.

"And these are the moments I thank God that i'm alive..." pagkanta naman niya habang hinahaplos ang pisngi ni Karylle. Patuloy lang siyang nakatitig sa pagmumukha nito dahil sa mahimbing nitong pagtulog.

Once again, hindi niya maiwasang kiligin sa mukha niya. "..and I could not ask for more."


An hour later ay nakarating na sila ng lugar.


"DITO NA US!!" biglang sigaw naman ni Ernie kaya isa-isa rin silang nagising dito. Muntik na siyang batukan ni Vice dahil pati siya ay nagulat din sa kanya.


They got off the car one by one and proceeded right away sa receptionist to check in.


Zia, Coco and Zsazsa were to stay in one room together. Vice and Karylle naman sa kani-kanilang mga sariling kwarto. And yes, magkahiwalay ang kwarto. But the catch is, connected ito. Which means may isang pinto na nagcoconnect sa mga ito. All of them went sa mga rooms nila para makapagrest na rin before dinner.

Patuloy naman si Vice sa pag-ayos ng mga gamit nang bigla naman siyang ginulat ni Karylle.


"Hi Vice!"

"Ay kabayo! Karel!"


Tawang-tawa naman si K sa mukha niya dahil halatang nagulat nga talaga ito. Kaya naman para makaganti ay sinimulan siyang kilitiin nito hangga't sa napahiga na sila sa kama. Patuloy pa rin ang kulitan ng dalawa at hingal na hingal naman si Karylle.

Pinaghahampas niya na si Vice pero ayaw pa rin nitong tumigil. "Vice!!! Hahahaha!!! Please! Pleaseeee stop na!!! Araaay!!!" (medyo spg) bigla namang may kumatok sa pintuan nila kaya naman tumigil na si Vice at binuksan ito. Nakaabang naman sa harap niya ang isang Ernie na may hawak na isang panghampas.


"Sinong nananakit sa'yo my babe my loves!?" sabay takbo papasok nito palapit kay K. Pinipigilan naman ni Vice na iuntog si Ernie sa pader sa pagiging OA nito masyado (joke lang).

"Ernie okay lang ako ano ba." sagot ni K na humihingal pa din.

"Sure ka my loves? my baby? Kung ganun eh.. Tara na kakain na daw tayo ng hapunan sabi ni Mommy.." nagkatinginan naman ang ViceRylle sa kanilang narinig. "Este sabi ng Mommy mo pala.." pambawi nito. Ernie was about to assist her sa pagtayo niya nang biglang sumulpot si Vice at kinuha ang kamay naman ni K para hatakin ito.

Inayos niya ang damit niya at naglakad na palabas ng kwarto. "Tara na nga K. May masaming espirito ata dito sa kwarto ko.."


After dinner ay nag-usap lang sandali ang buong pamilya. Pagod na rin kasi sila kaya ginusto nilang magpahinga ng maaga at ipagpapatuloy nalang kinabukasan ang mga gusto nilang gawin.


"Tara na girls?" tumayo naman si Vice kaya natawa naman si Zsazsa dito. "Career talaga pagiging girl mo ha?" sabay tawa nilang lahat.

ViceRylle: PansamantalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon