Chances

4K 188 30
                                    

Pagdating ni Vice ng bahay ay sinalubong naman siya ng kanyang boyfriend. Nagtataka naman ito kung bakit walang suot na t-shirt si Vice. He asked a lot of questions but all Vice could do was just smile back at him kahit niyayakap na siya nito ng sobrang higpit.


"If you want to talk, nandito lang ako." sabi naman ni Kurt pagkatapos halikan sa noo si Vice.

He let go of Kurt and stepped back. "I'm okay.. Pagod lang 'to. Sige na mauna ka na sa kwarto."

"I'll wait for you."


He went straight sa banyo to take a shower dahil ayaw din naman niyang magkasakit.


"Kung di lang kita mahal eh." he whispered to himself after turning the shower knob.


Vice's POV


And until now, I just can't get you off of my mind. Your smile. Your laugh. Your touch. Ana Karylle i'm just so crazy about you.

If only pwede lang nasa tabi na kita ngayon.. Hinding hindi talaga kita bibitawan para hindi na nangyari yun.



Flashback...


It was the day na finally ay uuwi na si Karylle pauwi ng Amerika dahil sa nagbakasyon ito sa pamilya ng kanyang ama. It took her more than a month doon at talagang namimiss na nila ang isa't isa.

It was also the day na pinlano na ni Vice na magpropose sa kanyang long-time girlfriend. Nagplano siya ng isang dinner sa bahay nina Karylle kung saan imbitado din ang kanilang mga pamilya't kaibigan.

He was on his way to the place, hanggang sa tumawag naman ang kapatid ni Karylle na si Zia. He stopped the car and answered the call.


"Vice, vice nasan ka na?!" doon palang ay nakaramdam na ng ibang kaba si Vice.

"Zia? A-anong..Anong nangyayari bakit?"

"Kuya si Ate Karylle.. Naaksidente daw yung sinasakyan nilang eroplano. Kuya Vice..Please.. Nasan—.."


Pagkatapos marinig ang balita ay bigla na lamang nagsimulang tumulo ang kanyang mga luha. He started shaking at gulong-gulo naman siya. Bumalik lahat ng ala-ala nila ni Karylle. Sa unang araw na nagkita sila sa Ateneo, hanggang sa huli nilang pag-uusap sa Skype nung nakaraang linggo.


"Karylle.. Hindi.. Hindi pw-pwede. No. Wala ka sa eroplanong yun. K magtext ka. Karylle. Please... Please."


Vice drove himself parin papunta sa bahay nina Karylle. Hoping na binibiro lang siya ng girlfriend at ang pamilya nito. Pagkababa ng sasakyan ay ibang-iba na ang ambiance ng buong bahay.

Halos lahat ay nanonood ng balita at sa labas palang ay rinig na rinig na ito ni Vice.


"Breaking News: Isang eroplano ang di umanong bumagsak malapit sa west philippine sea. Ang Flight PH 152 na galing sa Amerika papunta sanang Pilipinas kung saan mayroong higit 40 pilipino ang nakasakay.."


Nabitawan naman ni Vice ang dalang mga bulaklak nang marinig na mismo ang balita. Nagsimula na ring nagsiiyakan ang mga kamag-anak ni Karylle. Napaluhod nalang bigla si vice sa sobrang panghihina.

ViceRylle: PansamantalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon