Just A Friend

5.7K 168 16
                                    

Karylle's POV

"Nasa'n kaya siya?"  

"Vice?" 

Sinubukan kong tawagin ang pangalan niya ng ilang beses. Pero hindi ko pa rin siya makita. I got my phone from my pocket right away and tried dialling his phone number.

Funny. I hear his phone ringing. Nasa tabi ko lang pala. This time I got more worried. Vice never leaves his dorm without his phone because his mom always tries to check on him. A moment later, I heard footsteps. Expecting na si Vice yun, I turned around and I was wrong. It was Archie. His roommate.

Nagulat siya nang makita niyang nasa loob ako ng kwarto nila. Maybe this is unusual to find a woman sa dorm nila. This guy is kinda cute.. 

"Uhm. How may I help you te?"

Changed my mind. This gay.. This gay is kinda cute.

He walked to me while crossing his arms. Ang taray ata nito. I took a deep breath and finally spoke up. 

"Uhm.. Hi. My name's Karylle."

"K-ka-karylle? Yung karylle ni Vice?" 

"Ah.. Yes. Maybe you can say that." I chuckled. He covered his mouth. What is up ba kasi? "But where is he?" I asked again.

"Hindi ko alam eh. Kakarating ko lang din kasi. Di ko naman siya nakita sa baba." medyo bumaba ang boses niya. Manly. "Pero pag uwi niya sabihin ko nalang na dumalaw ka." I smiled at him and said thank you. Before I got out of the room, I heard him say something.

"In fairness.. Sino ba naman ang di macoconvert ng babaeng 'yon." 

Convert? What does he even mean. I turned to my left and saw a bouquet of roses in the trash bin. Kanino kaya galing 'to?

-------------------------------

Tumakbo naman si Karylle pababa habang kausap sa telepono si Vhong na siyang unang pumasok sa isip niya. Luckily, sinagot niya agad ito.

"K? Napatawag ka."

"Vhong, si Vice. Do you know where he is?"

"Ah. Oo.. Magkasama kami ngayon. Sinundo namin siya ni Billy. Pumunta ka ng Guilly's ngayon na." 

She got into her car and left the dorm right away. Karylle felt relieved at that very moment, thankful na okay lang ang best friend niya at hindi ito nasa panganib. 

As she reached the place, mabilis siyang naghanap ng parking space at dumiretso na papasok ng bar. At first nahirapan siyang hanapin ang mga ito dahil sa dami ng taong nandoon. Billy saw her kaya sinundo niya ito malapit sa entrance. 

He gave her a hug and greeted her with a warm smile. "Happy valentine's, Karylle." binati rin niya ito pero ang nasa isip niya parin ay si Vice. He noticed this kaya naman pumunta na agad sila sa table nila.

"Paano makamove-on? Ha. Ang tanong, gusto mo ba talaga makamove-on?"

"Alam mo kasi, ang pag-ibig ay parang sinat. Pag wala na, kailangan mong magpahinga. Dahil kung hindi, mabibinat ka. At tandaan mo, ang binat ay mas masama sa sinat. Nakamamatay.." ito ang unang narinig ni Karylle nang malapit na siya sa table nila. Nakita niyang kausap ni Vice si Vhong at ang iba pa nilang mga kasamahan.

ViceRylle: PansamantalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon