Revelations

5.3K 167 14
                                    

"Yes.. Yes Vice I will marry you." as soon as he heard her response, hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Vice at sinuot na ang singsing sa daliri ng girlfriend niya. Hindi naman maipaliwanag ng magkakaibigan ang tuwang nararamdaman nila sa panahong ito. Matagal-tagal rin nilang hinintay ang oras na 'to at sa wakas ay nangyari na din. Nakita na ni Vice si Karylle, natanggap na siya ng ama nito, at engaged na sila.


"I love you so much Karylle!" binuhat naman niya si Karylle at inikot-ikot sa sobrang saya niya.


Pagkatapos ng ilang minuto doon, ay sinama naman ng mag-amang Karylle at Modesto sina Vice sa kanilang rest house doon. It's only a 15 minute drive kaya naman di rin nagtagal ay nakarating din sila.

Isang simpleng bahay lamang ay mayroon sila doon. Nakatira lamang doon ang caretaker na si Aling Nancy Nunog.

As Vice entered the house ay napaisip naman siya kung gaano kahirap ang naging buhay ni Karylle doon sa loob ng ilang taon.


"Karylle, umupo ka na." he assisted his fiance sa pag-upo nito at kinilig din ito sa kanya. "Thank you. Ang gentleman mo parin hanggang ngayon."

Tiningnan namang maigi ni Vice si Karylle dahil sa kanyang narinig. "Bakit, dapat ba gentlewoman? Nako Karylle ha. Nangha-hard ka na." Karylle laughed dahil sa kanyang narinig dahil hindi parin ito nagbabago.



"Vice, meet Manang Nancy Nunog. Siya yung nag-aalaga kay Karylle dito kapag may trabaho ako." tumayo naman si Vice sa kinauupuan at inabot ang kamay niya sa babae. "Maraming salamat po sa pag-alaga mo sa girlfriend ko sa mga panahong wala ako sa tabi niya."

Nag-iba naman bigla ang reaction sa mukha ni Manang Nancy dahil hindi niya inaasahan na makikilala na niya ang pinakamamahal na lalake ng alaga niya.

"Diyos ko! Ikaw na pala yan anak!" lumapit naman siya kay Vice at niyakap ito ng napakahigpit. "Hindi kita nakilala! Mas gwapo ka pala sa personal!" narinig naman niya ang lihim na pagtawa ni Vhong at Billy kaya inirapan niya ang mga ito.


Karylle was at the back just clearly listening to their conversation kaya di rin niya mapigilang mapareact. "Sabi sa'yo pogi ka eh."


"Maraming salamat naman po. Kaya lang di ko alam kung maniniwala ba ako o sadyang nadala lang kayo sa pambobola nitong magiging asawa ko." at ikinagulat na naman itong marinig ng matanda.

"Magiging asawa!? Ikakasal na kayo?!" napatakip naman ng bibig si Nancy.

"Kakasabi ko lang po. De joke po! Opo. Haha!"

"Diyos koooo!! Congratulations!!!!" at muli'y niyakap na naman niya ang dalawa dahil sa sobrang tuwa nito.



It was already past six in the evening at naisipan nina Billy na bumalik na sa hotel nila. They had to leave early dahil pagod din sila sa biyahe at gusto na rin nilang magpahinga.

Inimbitahan naman sila na doon na lang muna makitulog sa bahay nina Karylle, pero tumanggi naman sila dito dahil nahihiya din sila. Nalungkot naman si Karylle.


"Wag ka mag-alala Ate K. Pag uwi natin ng Manila magssleepover ulit tayo!" Coleen gave her a hug which made her smile. Yumakap na din sina Billy at Vhong sa kanya para makaalis na din sila.

ViceRylle: PansamantalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon