Diary

6.4K 228 13
                                    

Pagbalik nina Vice ng Maynila, ay itinawag na kaagad niya ang mga kamag-anak ni Karylle. Laking gulat din naman nilang lahat dahil hindi nila inasahan ang pagkakataong ito. Nasa loob na sila ng sasakyan papunta ng Quezon City kung saan naroon ang bahay nina Vice, at abala naman si Vice sa pagtawag sa mga kaibigan para ipaghanda ang pagbabalik ng girlfriend niya. She was deeply asleep sa tabi niya and Vice couldn't help but look at her face sa buong biyahe. Ang Daddy naman ni Karylle ay tahimik lamang na napapaisip ng kanyang mga dapat sasabihin sa pamilya ng kanyang dating asawa dahil alam niyang malaki ang magiging galit ng mga ito sa kanya. 

"Sige.. Buern ikaw na muna bahala diyan. Oo.. Sige isama mo sina Archie para maasikaso na lahat yan.. Sige.. Maraming salamat." sabi nito bago ibinaba ang tawag. Sakto din naman at nagising na si Karylle. "Napaka-antukin mo naman soon to be misis." ngumiti naman si Karylle sa kanyang narinig at di na nagsalita pa.

"Nagugutom ka ba? Gusto mo kumain muna?"

"No.. Okay lang ako Vice. Sobrang pagod at antok lang.." bumalik naman siya sa pagsandal ng ulo niya sa balikat ni Vice. He started playing with her hair kaya mas lalo namang inantok ulit ang dalaga. "Magagalit kaya sina Mama pag nakita nila ako? Tayo?" 

Napaisip naman si Vice. "Bakit sila magagalit? Dapat nga masaya sila kasi nandito ka na."

"Eh kasi it's been years that i've been away. At hindi man lang nila alam na buhay pala talaga ako." narinig naman ito ng ama niya kaya napasagot na din ito.

"Anak, i'll take care of that. Wag mo na alalahanin yan. Ang importante makikita mo na ang mama mo at ang mga kapatid mo." wala na ding nagawa si Karylle kundi manahimik nalang. Pati siya mismo ay kinakabahan din sa mga posibleng gawin ng ina niya sa kanyang ama. Hindi din naman magiging madali ito, pero alam niya sa sarili niyang magiging okay din ang lahat. Sa sobrang worry niya ay nakatulog naman ulit siya sa biyahe.


As they reached their house, ay sumalubong naman sa kanila ang current boyfriend ni Vice na si Kurt. Halata sa mukha nito ang pagkagulat nang makitang kahawak-kamay ni Vice si Karylle na akala niya'y patay na nga. Nakita naman siya ni Vice pero hindi na lamang ito pinansin pa, instead ay pumasok sila sa loob ng bahay para makapagpahinga pagkatapos ng mahabang biyahe.

"Kahit hindi ko nakikita 'to, alam ko ganitong-ganito parin ang bahay nating dalawa.. Walang pinagbago." sagot ni Karylle habang sinusubukang maalala ang naging past nila ni Vice at ang mga nangyari sa bahay na iyon. "I missed being around here.."

"Karylle pwede humingi ng favor?" 

"Yes?"

Vice took her hand and held it tight. "Pwede bang mamaya na tayo mag drama. Kakauwi lang natin dito sa bahay, nageemote ka agad." natawa naman sila including Karylle na siyang sumang-ayon naman  dito. "Billy, kayo na bahala sa kakainin natin ha? Alagaan ko muna 'tong future ko." he smirked and led Karylle papunta sa kwarto nilang dalawa.

He opened the door and told her na wala parin namang nagbago sa bahay nila.

"Everything's still the same, K. Ikaw lang naman yung kulang dito." malungkot nitong sabi. Karylle smiled sadly dahil ramdam din niya ang lungkot na naramdaman ng boyfriend habang wala siya doon sa loob ng mahabang panahon. Umupo naman sila sa kama at nakayakap naman si Karylle kay Vice. 

"I missed this." bulong niya which made Vice tear up. 

"Pangako. Araw araw na ulit nating gagawin 'to ngayong nandito ka na, at ngayong mapapangasawa na kita." he kissed her and hugged her back. Bigla na lang may naalala si Vice kaya hindi na rin niya pinatagal pa at tinanong na agad ang girlfriend. "Should we text  your mom na nandito ka na ngayon? Are you ready to be with them again?"

ViceRylle: PansamantalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon