Wag Kang Bibitiw, Bakla.

5.9K 201 32
                                    

"I love you too, Vice." nakangiting bumitaw si Karylle sa yakap nang makita niyang nakatulog na si Vice. She shook her head sabay kuha ng kumot at inayos na ang paghiga nito. "Goodnight, Tutoy."

Lumipas ang ilang oras at nagising na rin si Vice. Minulat niya ang kanyang mga mata at laking gulat niya nang makitang nakanganga sa tabi niya ang kanyang minamahal. Sa una'y mapapasigaw na sana siya, ngunit tila bigla siyang nanghina at kinilig dahil sa pagtitig niya kay Karylle.

"Ang hilig mo talaga sa sorpresa no.." he smiled after kissing her forehead.

Dahan-dahang bumangon si Vice at paglabas ng kwarto'y nakatingin na sa kanya ang kanyang mga roommate na sina Archie at IC. Patuloy lang na lumakad si Vice para makapaghanda ng almusal habang busy naman sa pagtalak ang dalawang bakla.

"Kung di lang talaga maganda yang dinala mong babae, baka kinaladkad ko na yan nung makita kong katabi mo na matulog.." sabi ni Archie kasabay ang pagluto ng itlog. "Pero iba siya.. Kaya naman pala parang nagbabago ka na 'tol." binato naman siya ni Vice ng hawak nitong unan sabay tawa.

Si IC naman ay kasalukuyang busy sa pagtext sa kanyang boyfriend pero di rin niya maiwasan ang chikahan. "Maganda si merlat. Kung di lang ako bakla liligawan ko na yan.."

"Ano yun?"

Napalingon si Vice sa kanyang narinig kaya nag peace sign nalang sa kanya si IC.

"Joke lang! 'to naman eh. Di ko ippractice ang lesbianism no!"

"Arte arte mo bakla!"

"Same to you! Hahaha!!"

"O siya. Dalian na natin baka gising na yun.." sabay labas naman ng kilig smile ni Vice.

After a few minutes ay natapos rin sila sa kanilang pagluto. Kumuha na si Vice ng tray at nilagyan na ito ng makakain ni Karylle. Pagpasok niya ng kwarto ay saktong gising na ang best friend niya.

He walked closer and he never took his eyes off of her, kaya naman muntikan na siyang matapilok. Natawa naman si K kaya nadala na rin si Vice.

He placed the tray sa isang mesa and gave her a hug. "Good morning Karylle. Kain na." he felt strange. 

She sat up straight and looked at him again. "Long time no sleepover no?" 

"Oo nga eh.. Buti di ka hinanap ni Yael." sabi niya sabay abot ng juice kay Karylle.

"Oh my gosh."

Vice was confused sa naging reaction ni K nang bigla itong natatarantang nag-ayos ng mga gamit niya.

Napatayo si Karylle at agad na kinuha ang susi ng sasakyan niya. She gave him a hug and thanked him for breakfast.

"I'm sorry, Vice. I really have to go. I'll see you at school nalang.." 

Umalis na si Karylle at naiwan na namang mag-isa si Vice sa kwarto niya. 

"Kawawa naman si Viceral.." bulong ni Archie kay IC.

ViceRylle: PansamantalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon