Lucky I'm In Love With My Best Friend

5.9K 187 4
                                    

Pagkababa ni Vice ay tumakbo na ulit siya papunta sa kwarto ni Karylle.. He knocked the door a couple of times, hangga't sa..

 

"You again." si Yael naman ang bumungad sa kanya sa pintuan.

"Si Karylle please.." pakiusap muli ni Vice. 

"Babe sinong nasa... Vice." Karylle stopped and saw Vice at the front door. Bigla namang nawala ang ngiti sa mga labi niya.

 

Nagkatitigan naman ang dalawa ng ilang segundo.

 

"Pwede ba tayo mag-usap, K?" 

-------------------

She looked at him in the eyes for a few seconds bago siya nagsalita.

"Not now, Vice." 

"Kary...lle.." 

Tuluyan namang sinara ni Karylle ang pintuan kaya naiwan naman si Vice sa labas na naluluha. Naabutan siya ni Billy at Vhong kaya naman inalalayan na nila ang kaibigan palabas ng building. 

.

.

.

Sa sasakyan ni Billy ay tahimik lang si Vice sa likod na busy naman sa pagtext sa best friend niyang hindi pa rin siya pinapansin. Si Vhong naman ay mapang-asar kaya nagplay naman siya ng isang kanta sa player.

"Do you hear me? I'm talking to you Across the water across the deep blue ocean...

                I’m lucky I’m in love with my best friend.. Lucky to have been where I have been..Lucky to be coming home again..Ooohh, ooooh, oooh, oooh"

Pilit namang pinipigilan ng BillyVhong ang pagtawa dahil nakikita nila sa salamin ang mukha ni Vice na sobra ng naaasar sa ginagawa nilang dalawa. Pinatay naman agad ni Vhong ang radyo.

"Maaayos niyo rin yan brad. Konting tampuhan lang yan.." 

Samantala... 

Sa condo ni Karylle ay busy naman si Yael sa paghanda ng kanilang makakain ng kanyang girlfriend. Ilang oras na ang lumipas at hindi pa rin kumikibo ang nobya, kaya sinusubukan niyang magpa-impress dito para mapansin siya nito.

K was just inside her room, doing nothing. Hawak-hawak lang nito ang Teddy Bear na binigay sa kanya ng best friend niya dati noong kaarawan niya, at nasa tabi naman niya ang kanyang cellphone na kanina pa nagri-ring pero hindi niya parin pinapansin.

A few minutes later ay pumasok na si Yael dala ang niluto nitong home made pizza. Umupo na siya sa tabi ni Karylle na bigla namang pinatay ang phone nito.

"What's bothering you babe?" sabay abot ng isang slice. Pero di naman ito tinanggap ni K, kaya lalong na bother si Yael.

"Can you tell me what's wrong? Please?" he begged. Tumingin naman si Karylle sa kanya sabay hinga ng malalim. "Si Vice..I.. I just.."

ViceRylle: PansamantalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon