Dedma-zoned

5.5K 150 20
                                    

Karylle's POV

Another day to live. Another day to stay away from my best friend. Simula kasi nung pinagbawalan ako ni Yael na makipagkita sa kanya, I lost my communication with him. Hindi kasi ako pinayagan ng boyfriend ko na gamitin ang cellphone ko since that day. Hatid sundo niya lang din ako. I really don't know why he's acting this way.

Pagkatapos kong bumangon ay pumunta na agad ako sa kusina para magluto ng almusal ko. I remembered na I had to go to my mom's house today. Ang clingy kasi no'n. Tuwing weekend gustong-gusto niya talaga akong maka-bonding. 

After preparing, nagulat naman ako sa nakita ko sa labas. Si Yael. 

"Tara na?" he asked. I was surprised. Really.

"How'd you know?"

"Because I know.. Let's go." at tuluyan na siyang pumasok sa driver's seat. Di man lang ako inalalayan. Napabuntong-hininga nalang ako at agad namang pumasok sa sasakyan niya. Tahimik lang ako at siya naman yung puro daldal. 

He decided na dumaan muna sa McDo para bumili ng kape. I stayed in the car since walang drive-thru ang branch na 'to. Pawis na pawis naman ako dahil sa sobrang init kaya naghanap ako ng tissue. Kapag sinuswerte ka nga naman, nakita ko ang phone ko sa ilalim ng upuan ko. Anong ginagawa niyan dito? Ang galing niya naman magtago. Grabe. 

I turned it on right away and saw that I have 72 unread messages. Sa loob lang yan ng tatlong araw. As I opened my inbox, I couldn't help but smile. 

From: Vice

Karylle! Labas tayo bukas!

From: Vice

Sasama daw sina Billy and Vhong. Si Anne di ko pa natext. Ano, sama ka?

From: Vice

Huy. Ana Karylle. Uso reply ano?

From: Vice

May problema ba? Ilang beses na akong nagtetext.

From: Vice

Bakit di mo ako pinansin kanina?

From: Vice

Karylle, sabihin mo nga sakin. May nagawa ba ako?

From: Vice

K naman. Pag-usapan natin to. Anong problema?

From: Vice

Last na 'to... Magreply ka naman o.

From: Vice

Last na. promise.

From: Vice

Okay.. Sorry. Kausapin mo nalang ako kung okay ka na.

Di ko maiwasan na magreply at humingi ng tawad sa kanya. Alam kong nag-aalala na siya ng sobra dahil sa pandededma ko sa kanya sa school at pati sa text. I typed in my reply:

ViceRylle: PansamantalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon