Now Playing: Tamang Panahon

6.1K 193 6
                                    

Pakinggan niyo yung kanta sa multimedia section. Or just look up on YouTube: Wynn Andrada - Tamang Panahon

Sorry for the late update. Inenjoy ko lang yung sembreak. Haha. Here ya go!

------------

"Naghihintay tamang panahon para sabihin ko
Ikaw lamang walang iba ang iibigin ko
Nangangako sa yo habang buhay ikaw lamang
Ang mamahalin ikaw walang hanggan"

Pagkatapos ng kanilang pag-aayos ay mixed emotions naman ang nararamdaman ni Vice. Masaya siya dahil nagkaayos na sila ni Karylle, ngunit malungkot naman siya dahil dinaot sila ni Yael ay este dahil hindi pa niya naamin ang tunay niyang nararamdaman sa kaibigan.

Habang pauwi siya ay hindi niya maiwasang mapaisip sa mga posibleng nangyari kung sakaling masabi na niya ang lahat. Tatanggapin pa kaya siya ni Karylle? Iiwasan na kaya siya nito? Ano nga ba? Di ko rin alam eh. (nagjoke si author.. ge support)

As he reached his dorm ay kinuha agad niya ang kanyang cellphone para makatext naman ang kaibigan niya.

"Thank you for today. Thank you sa pag intindi sakin. And i'm glad you liked the flowers I gave you. Good night, K!" - Vice 

He smiled. At sabay niyang tinabi ang cellphone para makapagpahinga na siya..

Thursday...

Vice woke up at 5 in the morning. Hindi niya naman mapigilang kiligin dahil sa nabasa niya sa kanyang cellphone.

"Heeeeey!! You didn't even tell me na galing sa'yo yun! Kaya pala when I thanked Yael he was masungit kaagad. Hay nako Vice. But thank you also. I just hope na di na mauulit yung tawagin ka pa sa Dean ha. I love you and see you tomorrow!" - Karylle

"Haay. Ano ba meron sa babaeng 'to at kilig na kilig ako!" he said to himself as he prepared his own breakfast. Mabilis niyang kinain ang almusal dahil sa nakalimutan niyang may gagawin pa pala siyang research paper sa History subject niya. "Ayan kasi puro harot Viceral! Haha!" at natawa nalang siya sa sarili.

Isang oras ang lumipas at nagising na rin si K. Agad naman siyang bumangon para maligo at kumain na ng kanyang inihandang almusal. While cooking, nagulat naman siya at biglang may kumatok sa pintuan niya. Kaya naman itinabi muna niya ang kanyang niluluto para buksan ito.

"Ang aga pa may bisita na ah.." 

"Hi!!!!!!!!!!!!!" 

Nagulat naman si Karylle sa kanyang nakita. Isang taong tinatakpan ang mukha ng isang dosenang rosas. 

"Hulaan mo sino ako!" biro nito.

"Hay nako Jose Marie Viceral. Ano na naman tong pasabog mo. Dali pasok ka." sagot ni Karylle.

"Sungit! O para sa'yo. Pambawi sa ginawa ko." sabay abot ni vice ng bulaklak at beso sa pisngi ng kaibigan. (Para-paraan na naman si vice) 

Umupo na si Vice sa sofa at naamoy naman niya ang niluto ni K, kaya hindi na siya nagdalawang-isip at tumakbo na siya sa kusina. 

ViceRylle: PansamantalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon