Story Of My Life

14.8K 313 22
                                    

"Hey. Hello. Hi. My name is Jose Marie Viceral. You can call me Vice for short since my name is too long I guess. I'm 38 years old and I was born in Tondo, Manila. I'm a happy man. A very happy man. I can say that i've been through a lot before, but the pain was all worth it and it brought me to where I am right now.

I cannot ask for more. I am blessed, truly am. Wanna know more about me? Okay then. Let me take you back 15 years ago..."

--------------

Hey there. My name is Jose Marie Viceral. Vice na lang po for short. I’m currently 23 years old at simple lang naman ang buhay ko kung tutuusin. Well, siguro sakin simple. Pero sa kanila, hindi. Mahirap daw maging katulad ko. Totoo naman din kasi, bata pa lang ako pinagtra-trabaho na ako sa bukid namin sa La Union. Pagsasaka lang kasi ang ikinabubuhay ng pamilya namin.

Ang nanay ko ay isang OFW. Sa tingin nila pag ofw na yung magulang mo eh komportable na ang buhay mo. Pero hindi rin, kasi si nanay hindi naman malaki ang sahod para may panggastos kami dito sa Pilipinas. Ang tatay ko naman wala na. Namatay siya bata pa kami sa isang dahilan na hindi naman naming alam kung bakit. Ang ate ko naman nasa New York. Pero ewan ko ba dun wala atang pakialam samin kasi hindi naman nagpapadala ng pera.

Isa akong PolSci scholar sa Ateneo. Buti nga wala na akong kailangan bayaran eh. 100% kasi yung discount at sila na rin ang nag provide ng dorm na matitirhan ko. Nagsikap kasi ako dati pa dahil alam ko kung gaano kahirap ang mag-aral sa kolehiyo. Magastos rin ito para sa pamilya namin.

Pangarap ko sana maging abogado. Well, sana matupad nga para makatulong ako sa pamilya ko at sa ibang tao. Third year na ako ngayon, at oo masyado na akong matanda para sa year ko. Kailangan ko kasi tumigil ng dalawang taon dati dahil kailangan ko umuwi ng probinsya para alagaan ang lola ko na wala na ngayon.

Marami na akong pinagdaanan sa buhay, na hanggang ngayon ay pinagdadaanan ko pa rin. Eh kasi naman, wakla ako. Oo, bakla. Baklita. Paminta. At kung ano ano pa ang terms na gamitin niyo diyan para laitin ako. Pero hindi importante sakin ang tingin ng ibang tao, dahil hindi naman ibig sabihin nun ay pwede na akong mabastos.

Want to know something else? Something weird maybe..

In love ako. Kay A….

-----------

Hoy!” sigaw ni Vice nang biglang kunin ni Billy ang kanyang sinusulatang notebook. “Pakibalik naman Billy!” natatawa naman si Billy na patuloy pa rin ang pagbabasa sa laman ng notebook ni Vice. Kaya wala na rin siyang nagawa kundi hayaan na lang ang kaibigan.

Aba? Mukhang may tinatago ka ata sakin brad. Ano tong in love ka ha?” tanong ni Billy sabay sa pag-aangat ng kanyang mga kilay.

Napabuntong-hininga na lang si Vice habang tinitingnan si Billy ng seryoso sa mga mata nito. Matagal na rin silang magkaibigan kaya naman kilala na siya ni Billy ng husto. Alam niyang galit na si Vice kaya pinili niyang ibalik na lang ang notebook.

O teka lang naman wag na high blood ateng. Eto na po!”  sabay abot sa notebook. Agad namang nag walkout si Vice at iniwan ang kaibigan sa classroom.

Habang nakayukong naglalakad sa hallway..

Ay! Sorry!”

Pwede ba ‘te tingnan mo naman yung dina….”

 

Napatingin si Vice sa babaeng nabangga. Bigla na namang tumigil ang mundo niya. Nakita niyang nakangiti ang babaeng ito sa kanya kaya bigla siyang na tuliro.

ViceRylle: PansamantalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon